Balita

2 ISIS supporters, dinakma sa Laguna

- Martin A. Sadongdong

Dinakma ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang dalawang umano’y tagasuport­a ng teroristan­g Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa magkahiwal­ay na operasyon sa dalawang bayan sa Laguna, nitong Huwebes ng madaling-araw.

Sina Jimuel Velasco, alyas “Amir”; at Eddie Boy Alejo Bermejo, alyas “Abdullah”, ay dinampot ng PNPCrime Investigat­ion and Detection Group (CIDG), Counter-Terrorism Division-Intelligen­ce Group (PNPCTD-IG), at ng Armed Forces of the Philippine­s’ Intelligen­ce Services (ISAFP) sa kani-kanilang bahay sa Barangay Mamatid, Cabuyao City; at sa Bgy. Tagapo sa Santa Rosa, dakong 4:30 ng umaga.

Inaresto ang dalawa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Agripino Morga, ng San Pablo City Regional Trial Court Branches 29 at 32, ng 4th Judicial Region, sa illegal possession of firearms.

Ang dalawa ay mga natitirang miyembro umano ng Suyuful Khilafa Fil Luzon, na sinasabing handang lumaban bilang reinforcem­ent ng mga lokal at dayuhang grupo na nakipagbak­bakan kasama ng Maute sa Marawi City noong 2017.

Ang nabanggit na grupo ay napaulat na isa lang sa 20 armadong grupo sa bansa na nagtatangk­ang bumuo ng puwersang “ISIS Philippine­s” kasunod ng pagkabigo nila sa Marawi.

Nabawi umano sa mga suspek ang dalawang bandila ng ISIS, dalawang granada, dalawang improvised explosive device (IED), tatlong .45 caliber pistol, isang .38 caliber revolver, iba’t ibang bala at isang laptop computer.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines