Balita

Liza at Kristine, nagkita na sa ‘Bagani’

- Ni REGGEE BONOAN

GOOD vibes ang dulot ng Bagani sa pagsasama ng dalawang pinakamaga­gandang mukha sa showbiz.

“Grabe, nagkita na sina Ganda at Malaya, grabeeee ang ganda nila!”

Ito ang laman ng mga mensaheng sunud- sunod nam ing natanggap namin mula sa mga nanonood ng Bagani nitong Miyerkules ng gabi habang nakapila kami para manood ng Avengers Infinity War sa Gateway Mall.

Si Ganda ay si Liza Soberano at si Malaya ay si Kristine Hermosa sa Bagani at base sa umereng episode nitong Biyernes ay isinama ng huli ang una sa isang ligtas na lugar.

In fairness, hindi halatang mahigit 20 taon ang agwat ng edad ni Kristine kay Liza. Napakagand­a pa rin ng wifey ni Oyo Sotto. May apat na silang anak.

Anyway, matatandaa­ng nagapi ni Sarimaw ( Ryan Eigenmann) si Ganda kaya siya napunta napunta sa ibang lugar at ikinulong naman ng asawang si Bathala ( Raymond Bagatsing). Sa kabilang banda ay nagkaayos na sina Lakas ( Enrique Gil) at Dakim ( Christian Vasquez) dahil humingi na ang huli ng isa pang pagkakatao­n at itutuwid na nito ang lahat ng pagkakamal­i na pinagbigya­n naman ng bida ng Bagani.

Itinuwid na rin ni Lakam ( Matteo Guidicelli) ang pagkakamal­ing pakikinig sa sulsol ng tatay niyang si Ama ( Robert Seña) kaya bumalik na siya grupo ni Lakas.

Anyway, sa isang eksena pa lang ipinakitan­g magkasama sina Ganda at Malaya kaya nabitin ang viewers at sana raw damihan ang eksenang magkasama sila.

Abangan kung paano mawawala ang kapangyaih­an ni Sarimaw na pagtutulun­gan nina Lakas, Lakam, Dakim at kasamahan nito.

 ??  ?? Liza at Kristine
Liza at Kristine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines