Balita

Visayas athletes, angat sa PRISAA

-

TAGBILARAN, Bohol – Tulad ng naging kampanya sa nakalipas na taon sa Zambales, tuluyang nanalasa ang Central Visayas at Western Visayas para mapanatili ang overall champions sa kani-kanilang division kahapon sa 2018 National PRISAA Games sa Carlos P. Garcia Sports Complex.

Humakot ang Cebuano ng kabuuang 121-63-44 medalya para muling makamit ang division title sa pang anim na sunod at ang mga Ilongo speaking WV athletes komolekta 116-59-37 at sinungkit sa pangatlong sunod na taon ang youth division.

Gaya sa inaasahan maraming natuklasan mga superstars sa weeklong tournament na sinuportah­an ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman William Ramirez at pangalawan­g beses ginawa sa Bohol tampok ang mahigit 4,000 athletes galling sa mahigit 600 private colleges and universiti­es sa 16 regions pinangsasi­waan ni Executive Director Prof. Elbert “Bong” Atilano Sr.

Kasama sa mga bagong tuklas ay sina Stefany Louise Sa-Ac, Julie Marie Occeno, Romeo Renzo Teodoro, Melody Perez, Denmark Taro, Kristel Macrohon, Carlo Soriano, Mary Flor Diaz, Dessa de los Santos, Rocky Ramos Laila Manganoon, Sharlemain­e Harris, Gio de Vera, Allan Passion, Starjean Candia, Jasper Jay Erum Checy Aliena Telesforo, Marco Pomar, Seth Gentallan, Reymark Jan Ibones at ang magkapatid na Suganob sina Regie at Rodel.

Pumangalaw­a ang Western Visayas sa senior division 51-51-55, kasunod ang Davao 23-32-49, Western Mindanao 23-5-5, Bicol Region 18-16-41, at Region 12 17-38-36.

Pumangalaw­a ang CV sa WV sa youth division 51-27-7, kasunod Davao 36-38-40, Cagayan Valley 15-32-24, Central Luzon 14-42-32, CAR 14-1-1, at Region I 10-9-6.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines