Balita

La Salle vs FEU sa UAAP volley Finals

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum) 12 n.t. -- Ateneo vs NU (Men Finals) 4:00 n.h. -- DLSU vs FEU (Women Finals)

MAY bagong katunggali sa kampeonato, nakahanda ang defending women’s champion De La Salle University na ipagtanggo­l ang korona sa ikatlong sunod na taon sa pagsisimul­a ng UAAP Season 80 volleyball tournament Finals series sa Araneta Coliseum.

Makakasagu­pa ng Lady Spikers sa kanilang ika-10 finals appearance ang season host squad Far Eastern University Lady Tamaraws na pinutol ang apat na taong sunod na pagtatapat ng archrival Ateneo-La Salle sa finals.

Ganap na 4:00 ng hapon ang larga ng Game 1 ng best-of-3 finals series.

Sisimulan din ng Ateneo at NU ang game 1 sa Finals ng men’s division sa 12:00 ng tanghali.

Para sa Lady Spikers, partikular sa kanilang tatlong graduating players, sisikapin nilang hindi masayang ang pagkakatao­n na mabigyan ang DLSU ng three-peat bukod pa sa hangad na bigyang parangal ang kanilang coach na si Ramil de Jesus.

“This is our chance to bring back the three-peat and siyempre lahat ng sacrifices namin, lahat ng pinaghirap­an namin, ito na ‘yung final test namin,” pahayag ni Kim Kianna Dy.

“We’ve been here na, and siyempre aayusin pa namin ang kulang namin. Siyempre we want to show coach na sa five years naman dito, these are the players that he produced. We want to honor him,” sambit ni Dy.

“Siyempre, last playing year namin, gusto namin maging maganda ang exit namin, and siyempre gusto naming i- alay to kay coach kasi wala naman kami dito kun’di dahil sa kanya,” sambit ni libero Dawn Macandili. “Siyempre ayaw namin maggraduat­e na may regrets, so ibibigay na namin lahat.”

“Ako, personally, motivation ko ‘yun. Ayaw kong masira ‘yung record ni coach,” dagdag naman ni Majoy Baron. “As much as possible, parang ayaw namin na putulin ‘yung history na ginawa nila.”

Para naman sa katunggali nilang FEU, aminado naman silang liyamado ang La Salle lalo na pagdating sa karanasan bilang defending champion at 10- time finalists.

“Mahirap kalaban ang La Salle kasi lamang sila sa experience at meron silang mahusay na coach, “pahayag ni coach George Pascua na tinutukoy ang dating teammate sa FEU men’s volleyball team na si de Jesus.

Nagpang-abot ang dalawa sa huling taon ni de Jesus sa team sa ilalim ng tinagurian­g “Godfather of FEU men’s volleyball “na si coach Florentino Santos.

“Bibigyan namin sila ng magandang laban. Hindi naman namin basta sasayangin lahat ng aming pinaghirap­an, “ayon naman sa graduating captain ng Lady Tamaraws na si Bernadeth Pons.

Samantala sa men’s division, makapag-iwan ng isa pang titulo ang target naman ng graduating tandem nina Ish Polvorosa at reigning MVP Marck Espejo para sa Ateneo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines