Balita

‘TOTGA,’ panalo sa ratings game

- --Nitz Miralles

HINDI nagmayaban­g ang caption ni Dennis Trillo nang i-post ang pananalo sa ratings game ng April 25 episode ng The One That Got Away.

“O ayaw para balance, minsan kami naman ang panalo salamat sa inyong lahat na sumusubayb­ay,” sabi ni Dennis.

Walang nega sa comments at puro positive ang feedback ng viewers na umaaming pinasasaya at pinatatawa sila ng TOTGA. May nag-request pa nga na i-extend hanggang June ang sexy rom-com series, pero hindi na puwede dahil naka-schedule na ring umere ang ipapalit ditong Inday Will Always Love You.

Maganda rin ang ginawa ni Dennis na kasama sa ipinost na ratings result ang pictures ng buong cast ng TOTGA, pati ‘yung hindi original cast.

Gusto ng viewers ang pagle-level up ng story ng TOTGA na naging mag-asawa sina Liam (Dennis) at Alex ( Lovi Poe), ang pagkaka- involved ni Zoe ( Rhian Ramos) sa video scandal ( napapanaho­n) at ‘ yung pagkakatul­uyan nina Darcy ( Max

Collins) at Iῆigo ( Ivan Dorschner).

Sa Mayo pa magtatapos ang TOTGA, marami pa ang mangyayari sa mga karakter na minahal ng viewers. Samantala, pinakilig ni Dennis ang fans nila ni

Jennylyn Mercado sa comment niyang, “Ang ganda naman talaga ng mahal ko” nang i-post ni Jennylyn ang picture niya na kuha sa Avon Fashion Show. Hindi lang ang kagandahan ng aktres ang kapansin-pansin sa photo, pati ang kaseksihan. Ang tingin nga namin, 19 inches lang ang waistline ng aktres, kayang yakapin ng isang braso lang ni Dennis.

 ??  ??
 ??  ?? Rhian, Dennis, Lovi at Max
Rhian, Dennis, Lovi at Max

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines