Balita

Solon sa kandidato: Pa-drug test kayo!

- Ni ELLSON A. QUISMORIO May ulat ni Lyka Manalo

Magpa-drug test kayo.

Ito ang panawagan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs, sa mga kandidato sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan (SK) elections sa Mayo 14.

Sinabi ni Barbers na liliham siya sa Commission on Elections (Comelec) upang magtakda ng panahon sa boluntaryo­ng drug testing at pagsusumit­e ng resulta nito, na ayon sa kanya ay dapat na ilathala.

Ayon pa sa kongresist­a, hiniling niya sa Department of Interior and Local Government (DILG) na obligahin ang mga kandidato na lumagda sa peace covenant na nagsasaad na kinokonden­a ng mga ito ang ilegal na droga, at hindi rin suportado ng sinumang sangkot dito.

“The village poll aspirants may submit to a voluntary drug test at any Department of Health (DoH)accredited drug testing facility and submit themselves to a certain timeline before the Comelec. The DILG, for its part, can ask all the aspirants to sign covenants to be displayed in their respective barangay offices indicating they condemn illegal drugs, and are not being supported by any drug personalit­y,” sabi ni Barbers.

“And for those who will reject or refuse to undergo the voluntary drug testing, well, their problem is that they would all be subject to suspicions for alleged involvemen­t in illegal drugs,” ani Barbers.

Ganito rin ang naging hamon ni Tanauan City, Batangas Mayor Antonio ‘ Thony’ Halili sa mga kandidato, at hinimok ang mga botante ng siyudad na huwag iboto ang mga kandidaton­g magpoposit­ibon sa droga.

“Ipakita ninyo na hindi kayo mga adik at hindi kayo nagbibigay ng proteksiyo­n sa operasyon ng ilegal na droga,” mensahe ni Halili sa mga kandidato.

Bagamat nakilala sa kanyang “Walk of Shame” laban sa kriminalid­ad, at ginamit pa ang nasabing kampanya sa programa kontra droga, isa si Halili sa mga alkaldeng binawian ng National Police Commission (Napolcom) ng police supervisor­y at control powers dahil umano sa pagkakasan­gkot sa bentahan ng droga—na mariin nang itinanggi ng alkalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines