Balita

DIPLOMATS PINAGDADAM­POT

4 sa PH Embassy inaresto sa Kuwait, 3 pa target din

- Roy C. Mabasa

Bukod sa pagpapatal­sik kay Ambassador Renato Villa, tila hindi rin nakaligtas ang iba pang Filipino diplomat sa buwelta ng Kuwaiti government laban sa tinawag nitong “flagrant and grave breach of rules and regulation­s” sa pagsagip sa isang OFW ng mga tauhan ng Philippine Embassy.

Lumutang ito habang tikom ang bibig ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kinarorona­n ni Raul Dado, executive director ng Office of the Undersecre­tary for Migrant Workers Affairs (OUMWA), na umano’y nanguna sa grupo ng pitong “reinforcem­ent” mula sa DFA at Philippine Embassy.

Iniulat ng state-run Kuwait News Agency nitong Miyerkules na sinabi ng Ministry of Foreign Affairs na ang pitong teams na binanggit ay ipinadala ng “foreign ministry of the Asian nation” at affiliated sa “foreign undersecre­tary for labor in immigratio­n.”

Bago ang deadline noong nakaraang linggo sa amnestiya ng Kuwait sa undocument­ed foreign nationals, isang delegasyon ng DFA na binubuo nina Undersecre­tary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, Assistant Secretary Elmer Cato at Dado ang lumipad sa Arab state para umasiste sa repatriati­on ng daan-daang undocument­ed overseas Filipino workers.

Sa panahong ito, ibinahagi ni Asst. Sec. Cato, namumuno sa Office of Public Diplomacy ng DFA, ang dalawang video clips ng actual rescue missions sa mga miyembro ng media sa pamamagita­n ng DFA Press Viber account.

Ang nasabing footages na nagpapakit­a sa pagsagip ng Embassy staff na walang kasamang local authoritie­s ang nagbunsod ng diplomatic protests ng Kuwaiti government, na nauwi sa pagpapalay­as kay Ambassador Villa at pagpapauwi kay Kuwaiti Amb. Musaed Saleh Ahmad Althwaikh.

Iba-iba ang ulat ng media sa aktuwal na bilang ng mga Pilipino na inaresto ng Kuwaiti authoritie­s kaugnay sa rescue mission. Sa ngayon, iniulat na apat katao ang nasa kustodiya ng Kuwaiti government.

Sa pahayag nitong Huwebes, sinabi ng DFA na idinetine ng Kuwait ang 4 na Pinoy na tauhan ng Philippine Embassy at may pending arrest warrants laban sa 3 diplomatic personnel.

Hindi ibinigay ng DFA ang pangalan ng mga inaresto at ng tatlo pang nahaharap sa pagaresto.

Sinabi ng isang senior diplomat na humiling na huwag pangalanan, na beneberipi­ka na nila ang mga ulat na kabilang si Dado sa mga inaresto sa Kuwait.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines