Balita

Isa pang mass shooting ang gumimbal sa siyudad sa Amerika

-

PAGKATAPOS ng mass shooting noong Pebrero 14, nang isang teenager na nasiraan ng bait ang pumatay sa 14 na estudyante at tatlong guro sa isang high school sa Florida, nagdaos ng mga karaniwan nang kilos-protesta na nananawaga­n ng mas istriktong gun control. Lumawak ang mga protesta sa Amerika at nagtuluy-tuloy hanggang sa huling bahagi ng Marso.

Subalit gaya ng inaasahan ng marami, walang kinahinatn­an ang mga kilos-protestang ito. Malalim nang nakaukit sa tradisyong panlipunan at sa gobyerno ng Amerika ang pagtutol ng mga gun rights advocate sa anumang hakbangin na susupil sa karapatan nilang magmay-ari ng armas, bukod pa sa napakamaka­pangyariha­n ng industriya ng armas ng Amerika. Napaulat ang ilang mungkahi mula kay President Donald Trump, gaya ng pagtataas sa 21 anyos ng limitasyon sa edad para makabili ng baril. Ipinanukal­a rin na armasan ang mga guro para protektaha­n ang kanilang mga estudyante.

Subalit tinanggiha­n ng mga opisyal ng Amerika ang panawagang ipagbawal sa mga sibilyan ang pagbili ng mga military assault weapon, na kayang magpakawal­a ng daan-daang bala sa loob lang ng ilang segundo, gaya ng popular na AR-15. Walang gustong baguhin ang Kongreso sa nasabing batas. Marami ang nagsasabin­g sa loob lamang ng ilang buwan ay magkakaroo­ng muli ng panibagong mass shooting.

At nangyari nga ito nitong Linggo, Abril 22. Isang lalaking armado ng AR-15 ang namaril sa mga nakaupong kustomer sa isang restaurant sa Nashville, Tennessee. Apat na ang napatay niya nang pigilan siya ng isang kustomer at nagawa ng huli na mailayo sa salarin ang AR-15. Nagmamadal­i naman siyang umalis sa lugar. Kinilala siya bilang si Travis Reinking, na inaresto noong 2017 sa isang ipinagbaba­wal na lugar malapit sa White House, bitbit ang parehong AR-15 na ginamit niya nitong Linggo.

Sa news conference kinabukasa­n, sinabi ng acting mayor ng Nashville na si David Briley: “Last night, innocent Nashvilian­s were terrorized by a man with an AR-15. Let’s be honest. Some people see these weapons as having a purpose of terrorizin­g other people. It’s happening too much. Enough is enough. We need comprehens­ive gun reform to address mass shootings, domestic shootings, accidental shootings, and homicides. If we can all come together for this and for the greater good, we can take these weapons of war off the streets of our country.”

Kalaunan, inihayag ng Tennessee Bureau of Investigat­ion na napabilang na si Reinking sa Top Ten Most Wanted List ng Amerika. Kaagad din siyang naaresto. At dito na nagtatapos ang usapin. Ang tanging magagawa natin, at ng buong mundo, ay mamangha kung paanong hindi inaaksiyun­an ng Amerika ang problema na paulit-ulit na nangyayari na may ilang buwan lamang na pagitan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines