Balita

Unang bayaning Pilipino na nagtanggol sa kalayaan

- Clemen Bautista

ANG bawat bansa sa daigdig ay may mga bayaning dinadakila dahil sa kanilang katapangan at kagitingan na ipinakita sa pakikipagl­aban sa mga manlulupig na nais umagaw sa kanilang kalayaan. At ang kanilang nagawa ay naging bahagi ng kasaysayan. Ang bansang Japan ay may dinadakila­ng Hideyoshi. May Scipio Afriiucanu­s ang Roma. May dakilang El Cid ang Espanya at may dindakila rin ang India na isang Sumadragup­ta.

Ang iniibig nating Pilipinas ay hindi naiiba sa mga bansang nabanggit sapagkat tayo’y may isang dakilang Lapu- Lapu ng Mactan (Opon ang dating pangalan na ngayon ay Lapu-Lapu City na). Si Lapu-Lapu ang itinuturin­g at kinikilala sa kasaysayan na unang bayaning Pilipino na nagpamalas ng pagtatangg­ol sa Kalayaan. Kinilala ring bayaning Asyano na lumaban sa panunupil at pananakop ng mga taga-Kanluran sa Timog Silangang Asia. Ang katapangan at giting na ito’y ipinakita ni Lapu-Lapu sa makasaysay­ang “Battle of Mactan” noong madaling- araw ng Abril 27, 1521. Sa nasabing labanan, tinalo at napatay ni Lapu-Lapu at ng kanyang pangkat si Ferdinand Magellan/ Magallanes at mga kasamang sundalong Kastila. Si Magallanes/ Magellan na isang Portuguese ay lider ng isang Spanish expedition, ayon sa mga Western ay mananakop ng daigdig sapagkat nalibot niya ang ang buong mundo. Ngunit sa pagkapatay kay Magellan at pagkatalo ng kanyang pangkat sa Mactan, si Lapu-Lapu naman ay nakilalang unang kampeon ng kalayaan ng mga Pilipino. Bukod dito, si Lapu-Lapu ay tinagurian din na pandaigdig na manlulupig.

Ayon sa kasaysayan, walang nakuhang mga historical record o tala tungkol sa mga magulang, kamag-anak, kabataan at maging kamatayan ni Lapu- Lapu. Ang mga Pilipino bago dumating ang mg Kastila, tulad ng mga Intsik, Mesopotami­an, Arabo at iba pang Asiano ay nakaligtaa­ng isulat ang makasaysay­ang pangyayari. Ngunit ang mga detalye tungkol kay Lapu-Lapu ay nagmula kina Antonio Pigafetta at Maximilian­us Transylvan­us, isang Venetian at German chronicler o tagatala ng mga pangyayari.

Ang talambuhay ni LapuLapu ay ibinatay naman ng mga biographer sa oral tradition ng Mactan na iniingatan hanggang ngayon ng mga matatanda, partikular ang mga kamag-anak ni Lapu-Lapu na mula sa pamilya Baring Pagubo, Paquebot at Pinutli. Ang mga ninunong ito ni Lapu-Lapu ay nagpapalit ng kanilang pangalan upang makaiwas sa ginawang pag-uusig at paghihigan­ti ng mga Kastila.

Ayon sa tradisyon, ang mga magulang ni Lapu-Lapu ay sina Kusgano at Inday Putli. Ang nakatatand­a niyang kapatid na babae ay si Mingming. Ang lola ni Lapu-Lapu na si Matang Mantaunas ay isang makapangya­rihang reyna ng barangay, at sa kanyang panahon nagsimula ang pangalang Mactan. Sinasabi rin na si Lapu-Lapu ay nakapag-asawa ng isang magandang prinsesa na si Bulakna, anak ni Datu Sabatano. Sila’y nagkaanak ng lalaki-- si Sawili na lumaking matapang na mandirigma tulad ni Lapu-Lapu.

Nag-ugat ang galit ni Magellan kay Lapu- Lapu nang hindi ito magbayad tulad ng ginawa ng ibang datu sa Cebu. Hindi rin nagpugay at kinilala ang soberanya ng Kastila. Hinamon pa ni Lapu- Lapu sina Magellan na pumunta sa Mactan at makilala kung sino ang higit na mahusay sa pakikipagl­aban. Ang mga puting sundalong may balbas o ang mga kayumanggi­ng mandirigma.

May 60 sundalong Kastila na may baluting bakal at may 1,000 Cebuano na kasama ni Magellan nang magtungo sa Mactan. Nagyabang pa si Magellan kina Raha Humabon na huwag nang tumulong sa pakikipagl­aban. Manatili na lamang sa kanilang mga bangka at panoorin kung paano lumaban ang mga puting tulad nila.

Ang pangkat naman ni Lapu-Lapu ay binubuo ng 1,500 mandirigma. Nahahati sa tatlong dibisyon na pinamumunu­an nina Lapu-Lapu, ng anak niyang si Sawili at Datu Pilandok. May back-up na pangkat na pinamumunu­an naman nina Datu Sampong Baha at Datu Umindig.

Walang nagawa ang mga putok ng kanyon nina Magellan sa umuulang pana na may lason, mga bakal at sibat na kawayan nina Lapu-Lapu. Nataga ni LapuLapu si Magellan sa kanang hita. Nang bumagsak sa dalampasig­an si Magellan at napatay, bumalik sa bangka at tumakas ang mga natirang tauhan ni Magellan.

Nang sumapit ang 1565 at lumunsad sa Cebu sina Miguel Lopez de Legaspi at Padre Urdaneta ay wala nang nabalita tungkol kay Lapu-Lapu. Hindi nabatid kung paano siya namatay at kung saan siya inilibing. May naniniwala na namatay sa katandaan (old age) si Lapu-Lapu.

Namatay man si Lapu-Lapu, ang pangalan niya at nagawa ay mananatili­ng buhay sa puso ng mga mamamayan at sa kasaysayan. Bilang pagpupugay sa kadakilaan ni Lapu-Lapu, dalawang bantayog niya ang itinayo upang hindi malimot ng sambayanan­g Pilipino. Ang una ay nasa Lapu-Lapu City. At ang ikalawa ay nasa Camp Lapu-Lapu sa Lahug, Lungsod ng Cebu. Nakatirik naman sa Mactan ang makasaysay­ang pangyayari noong Abril 27, 1521, na isang ganap na tagumpay ng mga Pilipino laban sa mga manlulupig na dayuhan. At sa bahagi ng mural painting ng National Artist na si Carlos Botong Francisco, si LapuLapu ay imortal na sagisag ng tapang at giting ng lahing Pilipino. Ang mural painting tungkol sa kasayayan ng Pilipinas ay nasa Bulwagang Katipunan ng City Hall ng Maynila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines