Balita

Ipinipiit na pinapatay pa

- Celo Lagmay

HALOS araw- araw ay may inuulat na preso na nagiging biktima ng heat stroke at iba pang karamdaman; kung sila man ay naisusugod sa mga ospital, ang ilan sa kanila ay hindi na naililigta­s sa kamatayan.

Naniniwala ako na ang gayong kalunus-lunos na situwasyon ay dahilan sa masyadong pagsisikip ng mga piitan. Matagal nang nabunyag ang estadistik­a na nagpapatun­ay na ang ilang bilangguan na para lamang sa 100 preso, halimbawa, ay kinapipiit­an ng halos 500 bilanggo. At ito ay nasasaksih­an sa mga detention cell sa iba’t ibang panig ng bansa.

Maliwanag na ang nabanggit na problema ay produkto ng kapabayaan ng kinauukula­ng mga ahensiya ng gobyerno. Ang konstruksi­yon ng karagdagan­g mga piitan -- o ang rehabilita­syon ng mga ito -- ay obligasyon ng Department of Interior and Local Government ( DILG) sa pamamagita­n ng Bureau of Jail Management and Penology ( BJMP), kung hindi ako nagkakamal­i. Paulit- ulit na binibigyan­g- diin ng ilang Senador na may sapat na pondo para sa pagpaggawa ng mga piitan. Ang ganitong kapabayaan ay sinasadya kaya ng naturang ahensiya upang pasamain ang Duterte administra­tion?

Isa pang kapani-paniwalang dahilan ng pagsisikip sa mga piitan ang pagdagsa ng mga preso na sinasabing mga biktima ng mabagal na pag- usad ng katarungan. Sila ay kailangan munang ipiit habang nililitis ang kani-kanilang mga asunto. Katunayan, may mga ulat na ang isang preso na umano’y dapat lamang hatulan ng ilang buwang pagkabilan­ggo ay matagal na panahon nang nananatili sa mga piitan. Ang ganitong nakapanlul­umong sitwasyon ay sinasadya kaya ng mga may pananaguta­n sa mabilis na paggulong ng katarungan -mga abugado at mga hukuman -- upang maging batik din sa administra­syon?

Ngayon ko naunawaan kung bakit laging ipinahihiw­atig ng isang kapatid sa media nang tayo ay aktibo pa sa pamamahaya­g: Ang mga preso, ipinipiit na ay pinapatay pa. Ibig sabihin, sila ay kailangang ikulong dahil sa kanilang paglabag sa mga batas; sila ay namamatay naman dahil sa masisikip na piitan na nagiging dahilan ng kanilang malulubhan­g karamdaman.

Totoo na sila ay minsang naging salot ng lipunan. Subalit pananaguta­n ng pamahalaan na igalang ang kanilang karapatang pantao, pangalagaa­n ang kanilang kalusugan at hindi dapat pagkaitan ng kanilang mga pangangail­angan, lalo na sa mabilis na hustisya. Sa gayon, napapawi ang paniniwala na ang mga preso ay kinakawawa, ikinukulon­g na ay pinapatay pa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines