Balita

Bill Cosby, guilty sa sexual assault

-

HINATULANG guilty si Bill Cosby nitong Huwebes sa kasong pangangala­dkad at pangmomole­stiya sa naging kaibigan niya noong 2004, ang unang paghatol sa isang celebrity mula nang kumilos ang #MeToo movement, na nagpatumba sa mayayaman at makapangya­rihang personalid­ad, laban sa maling pagtrato sa kababaihan.

Nahaharap si Cosby, 80, nakilala bilang mapagmahal na ama sa 1980s TV hit na

The Cosby Show, ng sampung taong pagkakakul­ong para sa tatlong bilang ng aggravated indecent assault laban kay

Andrea Constand, 45, pagkatapos ng tatlong linggong trial sa Montgomery County courthouse sa Norristown, Pennsylvan­ia.

Nanatiling mahinahon si Cosby sa kabuuan ng trial, ngunit sumabog na kalaunan nang hilingin ng mga prosecutor na ikulong siya, sa dahilang maaari itong makatakas dahil mayroon siyang sariling eroplano.

“He doesn’t have a plane, you asshole!” napatayong bulyaw ni Cosby sa mga ito. Lahad naman ni District Attorney Kevin

Steele sa ginawa ni Cosby, “You got to see who he really was.”

Nang basahin na ang hatol ay napatungo si Cosby na malungkot ang bukas ng mukha. Napaiyak naman si Lili Bernard, isa sa mga nagsampa ng kaso sa kanya. Nanatili namang nakaupo at walang kibo si Constand.

Ipinahayag naman ni Judge Steven O’Neill na maaaring magpiyansa si Cosby ng halagang $1 million bail, pagkaraan ng sampung taong pagkakakul­ong, basta isusuko nito ang kanyang pasaporte at mananatili­ng nasa bahay lamang.

Kalaunan ay umalis na si Cosby sa korte kasama ang kanyang mga abogado at publicist. “The fight will go on,” lahad ni defense lawyer

Thomas Mesereau sa mga mamamahaya­g, at sinabi niyang iaapela niya ang hatol. Ang sentensiya ay inaasahang ipapataw sa loob ng 60 hanggang 90 araw, pagkatapos sumailalim sa “sexually violent predator assessment” ni Cosby.

Bagamat maaari siyang makulong ng sampung taon para sa bawat bilang, may suhestiyon ang state sentencing guidelines para mapababa sa sampung taon ang termino.

Ang hatol ay hudyat ng pagbagsak ng personalid­ad na dating binibigyan­g-pugay bilang “America’s Dad”, dahil sa kanyang nasirang reputasyon sa paglabas ng tinatayang 50 kababaihan na nag-akusa sa kanyang ng magkakapar­ehong kaso, dekada na ang nakaraan.

Samantala, ayon sa kanyang accusers, nangmomole­stiya siya ng kababaihan at kinakaladk­ad niya o pilit na isinasama.

Isa sa mga nasabing kaso ang pinakabago na sapat para litisin, at ito ang kaso ni Constand, dating administra­tor ng women’s basketball team sa Temple University, alma mater ni Cosby. Wala siyang komento sa naturang hatol.

“The most important person in our team was Andrea Constand,” sabi ni Steele, ang district attorney, sa mga mamamahaya­g. “She was the first courageous person who stood up in public and went to authoritie­s and said, ‘Bill Cosby drugged and raped me.’”

Nagdiwang naman si Attorney Gloria Allred, ang kinatawan ng 33 kababaihan­g nag-akusa kay Cosby, nang mapatunaya­ng “guilty, guilty, guilty” ang icon.

“We are so happy that finally we can say, women are believed, and not only on #MeToo, but in a court of law,” sabi ni Allred sa mga mamamahaya­g.

 ??  ?? Bill
Bill

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines