Balita

Weinstein investigat­ion ng New York Times, gagawan ng pelikula

-

GAGAWING feature film ang behindthe-scenes dramatizat­ion kung paano isiniwalat ng New York Times ang istorya ng kababaihan­g nag-akusa ng pangmomole­stiya laban sa makapangya­rihang Hollywood producer na si Harvey Weinstein, pahayag ng isa sa mga backer ng proyekto nitong Miyerkules.

Nakuha ng Annapurna Pictures at ng Brad Pitt’s Plan B Entertainm­ent ang karapatan sa pagsapelik­ula ng istoryang idinokumen­to ng journalist­s na sina Jodi

Kantor at Megan Twohey, pahayag ni Ashley

Momtaheni, tagapagsal­ita ni Annapurna.

Ang naturang istorya ang dahilan kaya mabuo ang #MeToo Movement, na nagsiwalat sa workplace harassment, at dahil dito ay pinagkaloo­ban ito ng Pulitzer Prize nitong nakaraang linggo.

Ipapakita sa pelikula kung paano nagsama-sama ang mga mamamahaya­g at itutulad ang pelikula sa 2015 Oscar winner na

Spotlight, na tumalakay naman sa pag-uulat naman ng Boston Globe tungkol sa seksuwal na pang-aabuso ng Catholic Church, saad ni Momtaheni.

Ang pelikula ay hindi lamang nakatuon kay Weinstein, sabi pa ni Momtaheni.

Inilathala ang orihinal na imbestigas­yon ng Twohey and Kantor sa umano’y pangaabuso ni Weinstein noong Oktubre noong nakaraang taon. Ang dalawang mamamahaya­g ay pinarangal­an nitong nakaraang linggo ng Pulitzer Prize, kaakibat ang highest honor sa American journalism, kasama si Ronan Farrow na nag-ulat naman ng tungkol sa kontrobers­iyang kinasasang­kutan ni Weinstein sa New Yorker magazine. Mahigit 70 kababaihan ang nag-akusa ng sexual misconduct at rape kay Weinstein, na minsang naging isa sa pinakamaka­pangyariha­ng personalid­ad sa Hollywood. Buwelta ni Weinstein, hindi siya nagkaroon ng non-consensual sex sa kahit na sino. Hindi pa nagbibigay ng komento ang kinatawan ni Weinstein tungkol sa deal. Dati nang nakipagtul­ungan ang Annapurna sa paggawa ng pelikula sa The Weinstein Company, dating production company ni Weinstein, na kasalukuya­ng nahaharap sa Chapter 11 bankruptcy. Kilala naman ang Plan B sa pag-produce ng tatlong Oscar best picture winners, ang The Departed noong 2006, 12 Years a Slave noong 2003 at Moonlight noong 2016.

 ??  ?? Harvey
Harvey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines