Balita

Baby nabigti sa duyan, patay

- Mary Ann Santiago

Patay ang isang sanggol na babae matapos mabigti sa duyan sa Port Area, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Rovelyn Abriu, 1 taon at isang buwang gulang, residente ng 076 Block 18, 2nd Street sa Port Area.

Sa imbestigas­yon ni SPO1 Michael Marragun ng Manila Police District- Crimes Against Persons Investigat­ion Section ( MPD- CAPIS), naganap ang insidente sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima, bandang 10:50 ng umaga.

Natutulog ang biktima sa duyan, na gawa sa nylon, nang iwan ng kanyang inang si Rosalinda sa kalinga ng kanyang mga anak na sina Rommel, 9; at Rolando, 6, upang mangutang ng bigas. Gayunman, iniwan nina Rommel at Rolando ang natutulog na biktima at nakipaglar­o sa kanilang mga kapitbahay.

Pag-uwi, tinawag ni Rosalinda ang mga anak para kumain at tuluyang bumulaga ang biktima na nakabigti sa duyan.

Agad inalis ni Rosalinda ang biktima sa pagkakabig­ti at isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH), ngunit patay na ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines