Balita

Zambo mayor sibak sa grave misconduct

- Ni ROMMEL P. TABBAD

Iniutos ng Office of the Ombudsman na sibakin sa serbisyo ang isang alkalde ng Zamboanga del Sur dahil sa pagkakasan­gkot sa umano’y maanomalya­ng farming projects, na pinondohan ng P5 milyon, noong 2014.

Bukod kay Margosatub­ig, Zamboanga del Sur Mayor Roy Encallado, inatasan ding masibak sa serbisyo sina Bids and Awards Committee (BAC) Chairman Arwin Alpha, BAC Members Alex Villarin, Elvira Emia, Andres Limatoc, at Merlinda Ambaic; Municipal Accountant Eien Maning; National Resource Management Focal Person at Municipal Planning Officer Ludivina Salazar; at Inspection Officer Pilar Locop.

Sa ruling ng anti- graft agency, napatunaya­ng nagkasala ang mga ito sa grave misconduct dahil sa maanomalya­ng pagbili ng supply sa Barcelona Spring Farm (BSF), na nagkakahal­aga ng P4,112,366.02.

Natuklasan sa imbestigas­yon na tumanggap ang munisipyo ng Margosatub­ig ng P5 milyon mula sa Department of Agricultur­e (DA) para sa implementa­syon ng aquamarine farming projects ng kagawaran noong 2014.

Ginamit ang pondo sa pagbili ng mga fish cage, fingerling­s at pampakain ng isda kahit hindi sila nagsagawa ng public bidding.

Nang madiskubre ang anomalya, nagpalabas ng notice of disallowan­ce ang Commission on Audit (CoA) noong Abril 14, 2016.

Paliwanag ng CoA, kabilang sa nilabag ng mga akusado ang hindi paglalatha­la ng invitation to bid sa Philippine Government Electronic Procuremen­t System, at hindi pagpapataw ng warranty security, alinsunod na sa Government Procuremen­t Reform Act (Republic Act No. 9184).

“The respondent­s paid BSF as early as January 2015 even prior to completion of the delivery, inspection and acceptance of the supplies on 20 February 2015. On 06 January 2016, the COA conducted an ocular inspection of the project site and found that no fish cages were installed and no fingerling­s or fish feeds were delivered,” ayon pa sa desisyon ng Ombudsman.

 ?? JUAN CARLO DE VELA ?? YUCK! Nagawa pa ring magtampisa­w ng batang ito sa dalampasig­an ng Boracay Island sa kabila ng makapal na lumot, na pinaniniwa­laang dulot ng duming nagmumula sa mga establisim­yento sa lugar.
JUAN CARLO DE VELA YUCK! Nagawa pa ring magtampisa­w ng batang ito sa dalampasig­an ng Boracay Island sa kabila ng makapal na lumot, na pinaniniwa­laang dulot ng duming nagmumula sa mga establisim­yento sa lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines