Balita

200 BAHAY NAABO SA SUPER KALAN Istorya sa Pahina 4

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Nasa 200 bahay ang nilamon ng apoy sa isang residentia­l area sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Manila Fire Department (MFD), nagsimula ang sunog sa gitnang bahagi ng Barangay 312, Zone 31, na sakop ng Oroquieta Street kanto ng Lope de Vega at D. Jose, sa Sta. Cruz, dakong 7:15 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigas­yon, nagsimula ang sunog sa sumabog na super kalan sa ikalawang palapag ng inuupahang bahay ng isang alyas Josie.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Agad inilikas ang mga sanggol at pasyente sa Jose Fabella Hospital, gayundin ang mga preso sa Manila City Jail, na matatagpua­n sa naturang lugar.

Ayon sa isang residente, na tumangging magpabangg­it ng pangalan, ang mga preso ang unang nakapansin sa apoy at inalerto ang mga residente sa pamamagita­n ng pagbato sa mga tahanan.

Idineklara­ng under control ang apoy dakong 11:48 ng gabi at tuluyang naapula dakong 3:10 ng madaling araw.

Walang iniulat na nasaktan sa insidente habang tinatayang mahigit 600 pamilya ang nawalan ng masisilung­an.

Patuloy na inaalam ang halaga ng natupok na ari-arian.

 ?? JANSEN ROMERO ?? OSPITAL, BILANGGUAN APEKTADO Agad inilakas ang mga sanggol at pasyente sa Jose Fabella Hospital, gayundin ang mga preso sa Manila City Jail, sa pagsiklab ng apoy sa isang residentia­l area sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.
JANSEN ROMERO OSPITAL, BILANGGUAN APEKTADO Agad inilakas ang mga sanggol at pasyente sa Jose Fabella Hospital, gayundin ang mga preso sa Manila City Jail, sa pagsiklab ng apoy sa isang residentia­l area sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines