Balita

Pinay sa Saudi nahulog sa building, nasawi

- Bella Gamotea

Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isinasagaw­a nitong imbestigas­yon kaugnay ng pagkamatay ng isang Pinay household service worker (HSW) sa Madinah, Saudi Arabia.

Sa natanggap na ulat ng DFA mula sa Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, isang Pilipinang HSW ang namatay sa Holy City of Madinah, dahil sa tinamong mga sugat matapos mahulog sa ikaanim na palapag na unit ng kanyang employer.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos na patuloy ang imbestigas­yon ng Saudi authoritie­s sa pagkamatay ng nasabing Pinay nitong Biyernes ng hapon.

Ang Pinay, na pansamanta­lang hindi pinangalan­an, ay dinala sa pagamutan dakong 3:30 ng hapon subalit binawian din ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Kaagad namang nagpadala si Badajos ng grupo mula sa Konsulado na makikipag-ugnayan sa Saudi authoritie­s na nag-iimbestiga sa pagkasawi ng Pinay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines