Balita

Van sumalpok sa poste, 10 sugatan

- Minerva Newman

Sugatan ang lahat ng 10 pasahero ng isang pampasaher­ong van makaraang sumalpok sa kahoy na poste sa Sitio Antipolo sa Barangay Poblacion Zone II sa Capoocan, Leyte, Biyernes ng tanghali.

Ayon kay Bella Rentuaya, informatio­n officer ng Police Regional Office (PRO)-8, minamaneho ni Dominador Jaca, 40, may asawa, ng Hindang, Leyte, ang UV Express van na Toyota Hi- Ace (HVT-959), bandang 12:10 ng tanghali nang mangyari ang aksidente.

Nabatid na galing sa Tacloban at patung Ormoc ang van nang sa biglang kabig ni Jaca sa kanan ay bumangga ito sa kahoy na poste ng Globe Telecom.

Sugatan sina Resurecion Mahusay, Jovencio Pacheco, Rene Abejo, Darla Kyle Decir, Emelda Decir, John Kenneth Peñalosa, Mario Coraza, Celso Coraza, James Robert Veray, at Gary Tangcawan, ayon sa pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines