Andi, niyaya ni Jaclyn lumipat sa GMA-7
NAKAKATUWA
ang TV commercial ni Jaclyn Jose para sa anniversary ng Lazada dahil ang delivery niya ng lines ay parang nagde-deliver ng mga linya niya sa pelikula o soap, ‘yung monotone na naging tatak na niya at ginagaya ng marami.
Kapag umeere na ang nasabing TVC, panonoorin noorin at pakikinggan mo talaga.
Pero, hindi ganu’n ang pagbitaw ni Jaclyn ng mga linya niya sa The Cure, ang epidemic drama ng GMA-7 MA-7 na magpa-pilot sa April 30. Isa si Jaclyn sa main cast st bilang si Dr. Evangeline Lazaro at siyang sisisihin sa pagkalat ng monkey virus disease o MVD at magiging dahilan hilan ng epidemya.
May nabanggit pala si Jaclyn sa presscon n ng The Cure na ikatutuwa ng fans ng anak niyang si Andi Eigenmann. Freelancer na pala si Andi, wala nang kontrata sa ABS-CBN, kaya niyaya niyang lumipat sa GMA-7.
Ayon pa kay Jaclyn, titingnan o hinihintay pa ang magiging desisyon ng mga bossing na ang intindi namin, ang management ng Kapuso Network, kung kukunin si Andi.
Ang ganda sana kung pagsamahin ang mag- gina sa isang matinding drama project.
Habang hinihintay pa ang desisyon n ng management, sa The Cure muna mapapanood ood si Jaclyn kasama ang ibang cast. Bukas na ang pilot nito pagkatapos ng 24 Oras. Siniguro ni Direk Mark Reyes na matatakot, mag-iisip at maliligalig ang viewers sa kanilang mapapanood.