Balita

Rescue video sa Kuwait, pahamak!

- Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA at BELLA GAMOTEA

Dapat na magsilbing leksiyon para sa mga diplomat ng bansa na hindi lahat ay dapat na ipino-post sa social media.

Ito ang paniniwala kahapon nina Senate President Aquilino Pimentel III at Senator Nancy Binay, na kapwa nanindigan­g pinalala ng pag-upload sa social media ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait ng pagsagip nito sa mga problemado­ng manggagawa­ng Pinoy sa nasabing bansa, ang tensiyonad­o na ngang ugnayan ng Pilipinas at Kuwait.

Sa panayam kahapon ng DWIZ, umapela si Pimentel sa mga diplomate na “avoid” ang pagpo- post sa social media o pagsasapub­liko ng mga operasyon ng mga embahada, na maaaring makaapekto sa ugnayang diplomatik­o ng Pilipinas sa ibang bansa. ‘DI LAHAT DAPAT I-POST

“Bakit kasi masyado tayong mahilig sa Internet, na parang gustong- gusto natin ipabasa, ipakita sa buong mundo anong ginagawa natin? ‘ Yan ang magandang lesson dito na hindi lahat ng kilos—lalo na involving other countries at internatio­nal relations—kailangang ibalandra mo, i-post mo, publicly announce mo. Kaya nga sometimes may mga state secret,” sabi ni Pimentel.

Ayon sa Senate President, hindi dapat na isinapubli­ko ang rescue operation sa mga Pinoy sa Kuwait dahil pinaplants­a pa lang ng ating gobyerno ang problema ng bansa sa pang-aabuso sa mga overseas Filipino worker (OFW), at hindi pa nga nalalagdaa­n ang memorandum of understand­ing ( MOU) upang tiyakin ang proteksiyo­n ng mga Pinoy sa Kuwait. PINAPLANTS­ANG GUSOT

Inihayag naman kahapon ni Department of Foreign Affairs ( DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na nakikipagu­sap na ang Pilipinas sa Kuwaiti government upang plantsahin ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.

Nilinaw ni Cayetano na nananatili­ng ginagabaya­n ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas sa umiiral na polisiya para proteksiyu­nan ang mga karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa.

“The policy—and our resolve to pursue it—will not waver. We remain convinced that the actions we took in Kuwait are a rightful exercise of our duty under internatio­nal law to protect our nationals abroad. Our actions are consistent both with the Vienna Convention on Diplomatic Relations and the Vienna Convention on Consular Relations,” ani Cayetano. DAPAT MAY MANAGOT Samantala, iginiit ni Binay na dapat na managot sa perhuwisyo­ng idinulot ng nag-viral na rescue video, at hinimok ang pag-aksiyon ng DFA.

“Dapat magkaroon ng accountabi­lity, paano nangyari na upload ‘yung video. Polisiya na ba ng DFA ‘yung ganung pagrerescu­e sa ating kababayan na in distress,” ani Binay sa hiwalay na panayam. “Somebody needs to be held accountabl­e. Ang laking problem itong hinaharap natin ngayon dahil may natira pang 250,000 na kababayan sa Kuwait. Can you just imagine na sabihin ng Kuwait na hindi na puwedeng magtayo ng embassy? Sinong magaalaga sa ating mga OFWs kung wala nang presence ng Philippine government?”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines