Balita

Maynila, Cebu, Davao sali sa ASEAN Smart Cities

- Ni Argyll Cyrus B.Geducos

SINGAPORE - Kabilang ang Maynila, Cebu City at Davao City sa 26 na lungsod na magsisilbi­ng pilot cities sa Timog-Silangang Asya para sa ASEAN Smart Cities Network (ASCN).

Sa Concept Note ng ASEAN Smart Cities Network, kabilang ang tinukoy na tatlong lungsod sa mga unang siyudad sa rehiyon na magtutulun­gan tungo sa iisang layuning matamo ang “smart and sustainabl­e developmen­t”.

Sa inilabas na dokumento, pinapahala­gahan ng mga bansang ASEAN ang technologi­cal at digital solutions na gagamitin nito upang maresolba ang mga epekto sa mabilis na pagdami ng populasyon sa mga lungsod, katulad ng pagsisiksi­kan, kalidad ng tubig at hangin, kahirapan, hindi pagkapanta­y-pantay, pagkahatih­ati ng kanayunan, at seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan.

“The ASCN is envisioned as a collaborat­ive platform where up to three cities from each ASEAN member state, including its capital, work towards the common goal of smart and sustainabl­e urban developmen­t. It will include National Representa­tives to synergize developmen­t efforts across all levels. Its primary goal will be to improve the lives of ASEAN citizens, using technology as an enabler,” saad pa sa dokumento.

Gumagawa na rin ng paraan ang ASCN upang gumamit ng inclusive approach tungo sa “smart city developmen­t” na gumagalang sa karapatang-pantao at kalayaan nito, alinsunod na rin sa ASEAN Charter.

Kaugnay nito, nakatakda ring talakayin ng mga miyembrong lungsod at mga national representa­tives ang revised draft framework sa susunod na buwan.

Ang mapapagkas­unduan sa nasabing pagpupulon­g ay ihaharap sa unang ASCN meeting na gaganapin sa Hulyo at i-adopt ng mga ASEAN leader sa 33rd ASEAN Summit sa Nobyembre, 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines