Balita

Korean war wawakasan na ng NoKor, SoKor

- AFP, Reuters

Matapos ang mahigit 65 taong digmaan sa pagitan ng North at South Korea, nagkasundo kahapon sina North Korean Leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae-in na isulong ang pagwawakas ng Korean war.

Itinuring na makasaysay­an ang pagbisita ni Kim sa South Korea bilang unang pinuno ng North na nagtungo sa Demilitari­zed Zone.

Nagkasundo sina Kim at Moon na isulong ang kasunduan ng permanente­ng kapayapaan at ng denucleari­sation.

Nagyakapan pa ang dalawa matapos lagdaan ang Panmunjom Declaratio­n, na hudyat ng makasaysay­ang pagsisimul­a ng kapayapaan sa bahagi ng Korean peninsula.

Naglabas din ng pahayag ang dalawang pinuno, na nagkukumpi­rma ng “common goal of realising, through complete denucleari­sation, a nuclearfre­e Korean peninsula”.

Kasabay ng pangakong pagbisita ni Moon sa Pyongyang sa “fall”, nangako rin ang dalawang pinuno na magkakaroo­n ng “regular meetings and direct telephone conversati­ons.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines