Balita

MOU sa Kuwait, inaasahan

- Mary Ann Santiago

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) na patuloy na mananaig ang diplomasya at pag-uusap sa pagitan ng gobyerno ng Kuwait at ng Pilipinas.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, ito ang kanyang ipinapanal­angin kaugnay ng pagpapa-deport ng Kuwait kay Ambassador Renato Villa, na idineklara pang persona non grata dahil sa pagtulong nito sa ilang distressed na Pinoy sa nasabing bansa.

“It is our hope and prayers that MOU (memorandum of agreement) will not be affected, that everything will be settled peacefully and amicably. Diplomacy and dialogues should continue and must prevail, not emotions and rush judgment,” sinabi ni Santos sa panayam ng Radyo Veritas, tinukoy ang kasunduang magbibigay ng proteksiyo­n sa lahat ng manggagawa­ng Pilipino sa Kuwait.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines