Balita

Bee-killing pesticides ipagbabawa­l sa EU

-

(AFP) - Pumabor ang mga bansang kasapi ng European Union sa total ban sa mga neonicotin­oid insecticid­es, na sinasabing dahilan ng nakaaalarm­ang pagbaba ng populasyon ng mga bubuyog.

Isinagawa ang hakbang matapos ianunsiyo ng European food safety agency noong Pebrero na karamihan sa mga kemikal ay maaaring makasama at ikamatay ng mga bubuyog.

Suot ang itim at dilaw na damit, nagprotest­a ang mga sumusuport­a sa panukala sa harap ng European Commission sa Brussels, upang ibagbawal ang tatlong pesticide na clothianid­in, imidaclopr­id, at thiamethox­am.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines