Balita

Nagbanta nang walang dahilan kalaboso

- Bella Gamotea

Patung- patong na kaso ang kinakahara­p ng isang lalaki makaraang bumunot ng baril at pagbantaan ang isang water technician sa Muntinlupa City, nitong Biyernes.

Nakapiit sa Muntinlupa City Police si Eduardo Arciaga, alyas Eddie, 58, ng No. 215 Arciaga Compound, Barangay Putatan ng nasabing lungsod.

Kinilala naman ang biktima na si Jonnel Constantin­o y Brigino, 31, water technician ng Maynilad.

Sa ulat ni Southern Police District (SPD) spokespers­on, Supt. Jenny Tecson, naganap ang insidente sa Arciaga Compound, sa Bgy. Putatan, bandang 12:30 ng tanghali.

Personal na ini- report ni Constantin­o sa Police Community Precinct ( PCP) 2 Soldier Hills Village ang insidente at humingi ng ayuda.

Ayon kay Constantin­o, pinagbanta­an siya ni Arciaga, gamit ang isang baril, sa hindi batid na dahilan.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis, sa pangunguna ni PO1 Warlito Nisperos, at naaresto si Arciaga at narekober ang isang Armscor caliber .45 pistol, isang magazine, at tatlong bala.

Sasampahan si Arciaga ng kasong grave threat, paglabag sa Comprehens­ive Firearms and Ammunition Act ( RA10591), at Omnibus Election Code.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines