Balita

Bahay ng ex-Bokal, nirapido

- Liezle Basa Iñigo

PASUQUIN, Ilocos Norte - Nabulabog sa takot ang isang mag-asawang dating Sanggunian­g Bayan member nang paulanan ng bala ng baril ang kanilang bahay sa Barangay Naglicuan, Pasuquin, Ilocos Norte, nitong Biyernes.

Dakong 4:50 ng umaga nang mangyari ang insidente sa bahay nina Melchor Acio, 68; at Teresita Acio, 52, parehong dating Sanggunian­g Bayan member ng Pasuquin, at residente sa lugar.

Sa police report, nagising ang mag-asawa nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril, bagamat kapwa naman sila hindi nasugatan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines