Balita

Mag-asawang estapador, tiklo

- Light A. Nolasco

SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Inaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng San Antonio Police at Pandi Municipal Police ang isang mag-asawang negosyante na wanted sa estafa, matapos na matunton ang kanilang pinagtatag­uan sa Bagong Barrio, Pandi, Bulacan, nitong Huwebes.

Kinilala ng arresting team ang mga naaresto na sina Germaine Lee Santos, 35; at Christian Domingo, 30, ng nabanggit na lugar.

Dinakma ang dalawa sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Emmanuel Paynor, ng Municipal Trial Court ng San Antonio, Nueva Ecija, sa kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code.

Pinagpipiy­ansa ang mag-asawa ng P60,000 para sa kanilang pansamanta­lang paglaya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines