Balita

Kapitan dedo, driver sugatan sa ambush

- Fer Taboy

Patay ang isang incumbent barangay chairman at sugatan naman ang kanyang driver nang pagbabaril­in sila ng riding-in-tandem sa Barangay Lawaan, Roxas City, Capiz, nitong Biyernes.

Kaagad na namatay si Elvis Asis, ng Bgy. Lawaan, Roxas City, dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ulo, kanang braso at katawan.

Sugatan naman ang driver ni Asis na si Joselito Casilo, na nakaratay pa ngayon sa ospital, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Pauwi na ang mga biktima sakay sa motorsiklo nang harangin ng dalawang armadong lalaki na magkaangka­s din sa motorsiklo.

Sinisilip pa rin ng pulisya ang anggulong may kinalaman ang insidente sa nalalapit na Barangay at Sanggunian­g Kabataan elections sa Mayo 14.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines