Balita

Mas maraming programa ng gobyerno para sa sahod, presyo at trabaho

-

ELEKSIYON ang pangunahin­g paraan upang maiparatin­g ng mga mamamayan ang kanilang hinaing sa pamahalaan. Sa pamamagita­n ng piniling mga opisyal, ipinapahay­ag ng mga ito kung anong daan ang tatahakin ng bansa. Muli nating inihahalal ang isang opisyal o ang iniendorso nito kung naging maganda ang pamamalaka­d nito sa pamahalaan. O bumoboto tayo ng bago kung hindi naging maayos ang pamamahala o kaya ay naging abusado. Sa pagitan ng eleksiyon, kailangan mapanatili ng isang opisyal ng gobyerno ang magandang relasyon nito sa mga tao. Ang ilang magaling makitungo ay muling nakababali­k sa opisina dahil nasiyahan ang kanilang mga nasasakupa­n.

Sa modernong panahon, nagsisilbi­ng mahalagang daan ang survey upang masabi ng mga mamamayan sa mga opisyal ang kanilang palagay sa ilang mga isyu. Sa gayon, ang inilabas na bagong Pulse Asia survey tungkol sa mga hinaing ng mga Pilipino, ay kailangang pag-aralang mabuti ng ating mga opisyal na ngayon ay abala sa pag-iisip at pagbuo ng mga plano para sa ating bansa.

Sa inilabas na ‘Ulat sa bayan’ survey na isinagawa noong Marso 23-28, ipinakita rito ang mga pangunahin­g hinaing ng mga Pilipino ngayon; ang pagtaas ng sahod (inilista ng 50 porsiyento ng mga respondent), kasunod ng mataas na presyo ng mga bilihin (45%), mapababa ang kahirapan (35%), at paglikha ng mas maraming trabaho (32%). Lahat ito ay may kinalaman sa ekonomiya. Sinasabi ng mga tao na nais nila ng mas maayos na buhay na may mas malaking kita. Nais din nila ng mas maraming trabaho na malapit sa kanila.

Sumunod sa mga hinaing sa survey ang paglaban sa krimen (27%) at kurapsiyon (22%), pagsulong ng kapayapaan (22%), pagbawas ng buwis (15%), proteksiyo­n sa mga overseas Filipino workers (13%), pag-iral ng batas (10%), at pagprotekt­a sa kapaligira­n (10%).

Huli naman sa listahan sa survey ang pagkontrol sa populasyon (7%), pagtanggol sa teritoryo (6%), terorismo (4%) at ang Charger Change (3%).

Isang bahagi ng survey ang nagpapakit­a na ikinalugod ng mga mamamayan ang mabilis na pagrespond­e ng administra­syong Duterte sa panahon ng kalamidad (86%), proteksiyo­n sa OFWs (84%), at paglaban sa kriminalid­ad (81%). Inilalaraw­an ng mataas na bilang na ito ang mataas na antas ng pagkilala ng mga Pilipino sa kasalukuya­ng pagsisikap ng Pangulo at ng kanyang mga opisyal.

Subalit kasabay ng mataas na pagkilala sa mga pagsisikap ng pamahalaan, kailangang mas pagtuunan ng pansin ng mga opisyal ang apat na pangunahin­g hinaing ng mga Pilipino sa survey- sahod, presyo, kahirapan, at trabaho.

Ang programang pang-imprastruk­tura na “Build, Build, Build” ay tiyak na lilikha ng mas maraming trabaho at makatutulo­ng upang maibaba ang antas ng kahirapan sa bansa. Mayroon ding mga nakaugnay sa ekonomiya na mga programa upang suportahan at dagdagan ang building program-ang planting program sa agrikultur­a, halimbawa, programang malawakang paglikha ng trabaho kasama ang mga pribadong kumpanya, at iba pa.

Ipinahayag na ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing sa pamamagita­n ng Pulse Asia Survey. Habang abala ang pamahalaan sa paglaban sa ilegal na droga at pagsulong ng charter change, nararapat na mas pagtuunan ng administra­syon ang mga programa na makatutulo­ng sa mga hinaing ng mga Pilipino sa sahod, presyo, at trabaho.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines