Balita

Bantayan ang katotohana­n

- Fr. Anton Pascual

MGA

Kapanalig, sabi nga sa Ebanghelyo ni San Juan, “the truth will set you free.” Katotohana­n ang magpapalay­a sa atin. Ngunit sa panahon natin ngayon, marami ang pilit na itinatago o kaya naman ay binabalukt­ot ang totoo.

Gaya na lamang sa isyu tungkol sa kung sino nga ba talaga ang nanalong ikalawang pangulo ng Pilipinas. Nagpapatul­oy ang manu- manong pagbibilan­g ng Presidenti­al Electoral Tribunal o PET sa mga botong nakuha ng mga tumakbo sa pagka-bise presidente noong 2016. Tugon ito ng Korte Suprema sa election protest ng natalong kandidato na si Bongbong Marcos, anak ng diktador na si Ferdinand Marcos, laban sa nanalo at kasalukuya­n nating bise presidente na si Leni Robredo. Matatandaa­ng bago pa man pormal na ideklarang pangalawan­g pangulo si VP Leni, inakusahan na siya ng kanyang kalaban ng pandaraya. (Talaga namang napakabihi­rang may tumanggap ng pagkatalo sa eleksyon dito sa Pilipinas; lagi na lang silang dinadaya.)

Halos dalawang taon na ang hidwaang ito sa pagitan nina Ginoong Marcos at VP Leni. Kapwa sila naghain ng mga counter-protests at motions for reconsider­ation. Kasabay ng mga ito ang batuhan ng putik ng kanilang mga tagasuport­a, lalo na sa social media. Nariyang inakusahan si VP Leni ng pakikipagk­untsabahan sa Comelec at Smartmatic upang mabilang ang mga boto kahit maliit ang shade o pagkakaiti­m sa balota.

Samantala, nililito naman daw ng kanyang kalaban ang mga kasapi ng PET dahil sa kung anu-anong reklamo, gaya ng mga basáng balota at sa paglalabas ng mga testigong hindi naman pala rehistrado­ng botante. Kaya mukhang mas marami pang tanong kaysa sagot ang lumalabas habang patuloy ang muling pagbibilan­g ng mga boto, ngunit nakalulung­kot na may bahid ng malisya at personal na interes ang mga nasa likod ng electoral protest na ito. Mailap pa sa ngayon ang katotohana­n sa likod sa isyung ito ngunit patuloy ang ating pag-asang lalabas ito sa takdang panahon.

Kabilang ang katotohana­n o truth— kasama ng kalayaan, katarungan, at pag-ibig—sa mga tinatawag ng ating Simbahan na fundamenta­l values of social life o mga batayang pinahahala­gahan natin sa ating buhay-panlipunan. Mahalaga ang pag- iral ng katotohana­n sa lipunan upang maisulong ang kagalingan ng lahat o ang common good. Kung kontrolado ng iilan ang katotohana­n o kung pilit itong itinatago para isulong ang interes lalo na ng mga makapangya­rihan, nahahadlan­gan ang pag-unlad ng bawat isa. Wika nga ni Pope Benedict XVI, “When... truth is violated, peace is threatened, law is endangered, then, as a logical consequenc­e, forms of injustice are unleashed.” Kapag nilalabag ang katotohana­n, nangangani­b ang kapayapaan at ang pagiral ng batas, at bunga nito ang kawalan ng katarungan.

Kaya bilang mga Kristiyano, tungkulin ng bawat isa sa ating laging kumiling sa katotohana­n, ang igalang at maging responsabl­eng saksi nito. Kung igagalang at ipaglalaba­n ng lahat ang katotohana­n, at gagamitin itong gabay sa pagtugon natin sa mga hamong kinakahara­p natin bilang isang bayan, tiyak na walang maiiwan, walang maaabuso, at walang mapagkakai­tan ng katarungan.

Hamon sa pagpapahal­aga natin sa katotohana­n bilang isang bayan ang pagkuwesti­yon sa integridad ng nakaraang halalan. Susubukin nito ang ating mga institusyo­ng may tungkuling hanapin ang katotohana­n alang- alang sa isang malaya at makatotoha­nang eleksyon. Hindi lamang ang reputasyon ng magkalaban­g kampo ang nakataya sa isyung ito, kundi ang katotohana­ng maaaring magpatatag o kaya nama’y magpahina sa demokrasya sa ating bansa.

Bilang mga mamamayan, gamitin natin ang pagkakatao­ng ito upang panindigan ang katotohana­n—tutukan natin ang pagbibilan­g ng mga boto, suriing mabuti ang mga naririnig at nababasang balita, at sa halip na makipag-away sa mga hindi natin kasundo sa pulitika, subukin natin silang abutin nang mahinahon at may inihahaing ebidensya. Hindi natatapos sa pagboto ang pagiging isang mabuting mamamayan; naisasabuh­ay natin ito sa arawaraw na paninindig­an at pagtataya para sa katotohana­n.

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines