Balita

R1.96 bilyong mawawalang kita sa Boracay

- Bert de Guzman

May P1.96 bilyon pala ang mawawalang kita o revenue ng gobyerno sa pagpapasar­a sa Boracay Island, ayon kay NEDA Sec. Ernesto Pernia. Ilan naman kayang mga manggagawa ang mawawalan ng trabaho? Sa tantiya ng mga eksperto, maaaring umabot sa 30,000 manggagawa ang mawawalan ng hanapbuhay.

Hindi ba pinagsisik­apan ng Duterte administra­tion na bigyan ng trabaho ang mga Pinoy upang sila ay makakain ng tatlong beses sa maghapon? Paano na ngayon ang may 30,000 tao na mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapasar­a sa isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan?

Para sa mga Pilipino, ang pagpapataa­s ng sahod ng mga manggagawa at pagkontrol sa implasyon ( inflation) ang dapat pagtuunan ng pansin ng administra­syon. Batay sa Pulse Asia survey noong Marso 2328, lumilitaw na 50% ng mga Pinoy ay konsernado sa isyu ng pagtataas sa sahod ng mga laborer. Kailangang madagdagan ang kanilang kita lalo na ngayong nananagasa ang TRAIN.

Ang iba pang mga isyu na itinuturin­g na “most urgent” na dapat aksiyunan ni Pres. Rodrigo Roa Duterte ( PRRD) ay ang sumusunod: Poverty reduction (33%); job creation (32%); fighting criminalit­y (27%); fighting graft and corruption in the govt (22%); promoting peace and order (22%); reducing the amount of taxes paid by Filipinos ( 15%); protecting welfare of the OFWs ( 13%); enforcing the rule of law (10%); at protecting the environmen­t (10%). May nagtatanon­g: Bakit wala ang pagsugpo sa illegal drugs?

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon na matanggal si Ombudsman Conchita CarpioMora­les sa puwesto dahil umano overstayin­g na siya roon. Siya ay hinirang ni ex-PNoy noong 2012. Buong pagkakaisa­ng itinapon ng SC ang petisyon na inihain nina ex-MRT-3 general manager Al Vitangcol at lawyer Nathaniel Ifurung, dahil sa kawalan ng merito.

Humingi na ng paumanhin ang Pilipinas sa Kuwait bunsod ng pagre- rescue ng mga staff ng PH embassy sa distressed Filipinos o inaabusong mga Pilipino, lalo na ang kababaihan. Para sa Kuwaiti government, labag ito sa “diplomatic norms and an infringeme­nt on Kuwait’s sovereignt­y”. Pinatatals­ik at pinauuwi rin ang ambassador doon na si Renato Villa. Kaylupit naman ng Kuwait.

Eh bakit ang Kuwait ay hindi nag-apologize sa Pilipinas nang ang isang OFW natin, si Joanna Demafilis, ay brutal na pinatay roon, isinilid pa sa freezer, matapos na siya ay maltratuhi­n at pahirapan bago pinatay?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines