Balita

Gil Cuerva, mas handa na sa pag-aartista

- --Nitz Miralles

HINDI nag- buckle si

Gil Cuerva sa sagot na “Harry Styles” nang tanungin sa presscon ng My Guitar Princess kung sino ang peg niya sa role niya bilang si Elton Smith sa musical rom-com series na magpa-pilot sa May 7, bago mag- Eat Bulaga.

Pop idol ang role ni Elton, kaya tinanong kung sino ang peg niya at ang former member nga ( o member pa rin) ng One

Direction ang binanggit. In fairness, walang kumontra kay Gil at sabi ng press, hihintayin ang eksenang kumkanta siya.

“Waterloo ko ang singing, I’m not a singer but I do sing once in a while. Kaya nga sobra akong na-challenge sa role at karakter ko rito, Imagine, kakanta ako at si Julie Anne San

Jose pa ang makakasama ko na alam Kiko nating a very good singer. I did not ask the production why they choose me for Elton’s role, tinanggap ko and I promise to do my best to portray the role,” pangako ni Gil.

Bilang paghahanda sa eksenang kakanta siya, kinuha ni Gil na voice coach si Thor at siguradong in his free time, kapag wala sa taping, kumakanta- kanta si Gil. Ang hindi namin naitanong ay kung manonood siya sa concert ni Harry Styles sa bansa to see the singer performing live.

Sabi pa ni Gil, he’s more prepared now sa My Guitar

Princess kaysa noong gawin niya ang My Love From The

Star. Nag-workshop siya sa iba’t ibang acting coach kabilang si Ana Feleo at ang New York based acting coach na si Anthony Michal Bova.

Nag- agree siya sa obserbasyo­n namin na pati pagsagot sa mga tanong ng press, mas handa na siya at mas komportabl­e.

“Yes, totoo ‘ yan, I’m more comfortabl­e now sa pagharap sa press at pati sa trabaho ko. It helps na mababait ang mga kasama ko sa My Guitar Princess from the production staff, Direk Nick Olanka and my costars. Mabait at magaang katrabaho sina Julie Anne, Kiko (Estrada), Ms.

Sheryl ( Cruz) and the rest of the cast. Masaya kami sa taping. Ang nagpapaner­biyos sa akin at excitement na rin ay ang pilot airing namin sa May 7,” pagtatapos ni Gil.

 ??  ?? Gil
Gil

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines