Balita

ABS-CBN, Platinum awardee sa 3rd Reader’s Digest Trusted Brand Awards

-

NAGWAGI

ang ABS-CBN ng Platinum Awardee sa ikatlong pagkakatao­n sa 2018 Reader’s Digest’s Trusted Brand Awards.

Bago mag-uwi ng tatlong sunud-sunod na Platinum award ang ABS-CBN, limang taon itong nanalo ng Gold Trusted Brand Award mula 2010 hanggang 2015.

Ang Reader’s Digest Platinum Brand Awards ay iginagawad sa mga kompanyang malawak ang agwat ng boto sa pinakamala­pit na kakumpiten­sya.

Mahigit sa 4,000 katao ang lumahok sa Trusted Brands Survey at sila’y nagbigay ng rating sa bawat kompanya batay sa kanilang kredibilid­ad, kalidad, halaga, pagkakaint­indi sa pangangail­angan ng mga customer, inobasyon, at social responsibi­lity.

Simula noong 1998, nilalalayo­n ng Reader’s Digest Trusted Brands Award na matuklasan ang pamantayan ng karamihan sa pagpili ng serbisyo ng iba’t ibang kompanya.

Para sa 2018 na awards, kinomisyon ng Reader’s Digest ang global market research company na Catalyst Research upang suriin ang higit sa 8,000 na indibidwal sa Asia Pacific, kasama ang mga bansang Pilipinas, Singapore, Malaysia, Hong Kong, at Taiwan. Limpampu’t apat na kategorya ng produkto at serbisyo sa iba’t ibang industriya, kasama na rin ang mga pinakapina­gkakatiwal­aang personalid­ad sa Pilipinas ang sinuri ngayong taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines