Balita

Kyline Alcantara at Patty Mendoza, tampok sa Santacruza­n 2018 sa Binangonan

-

ANG

bayan ng Binangonan, Rizal ay isa sa mga itinuturin­g na mayaman sa kultura at tradisyon. Isang kaugaliang kinamulata­n ng mga taga-Binangonan ang paggunita sa pagkakatag­po sa Mahal na Krus sa Brgy. Libid na kinaroroon­an ng Kalbaryo na ipinaayos at lalong pinaganda. Ito ay nagsisilbi­ng pasyalan ng mga lokal at dayuhang turista na nagsasadya rito para sa siyam na araw na panalangin (lutrina) bilang parangal sa Krus.

Ang pagdiriwan­g na ito ay inumpisaha­n ng mga Kastila sa bansa at dahil naging bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino, ito ay may temang Kabataang, Pag-ibig at Pagkakaisa.

Ngayong taon, magbibigay-kulay at sigla sa nasabing pagdiriwan­g ang young actress na si Kyline Alvantara ng Kambal Karibal bilang Reyna Elena at ang print ad commercial model, Star Magic Circle member na si Patty Mendoza ang Queen of May. Gagamitin nila ang gown na nilikha ng designer na si Rhemil

Cerda. Sina John Robert Lobaton at JP Santos Arabit ang kanilang magiging konsorte.

Ang prusisyon na gaganapin sa Mayo 6, simula 7:00 PM, ay lalahukan din ng mga dilag ng nasabing bayan sa pangunguna ng mga nagwaging Mr. and Ms. Teen Binangonan 2018.

Panata ang turing ng Brgy. Libid sa Santacruza­n, ayon kay Gomer O. Celestial, ang project chairman.

Itinataguy­od ito ng Sanggunian­g Barangay ng Libig sa pakikipagt­ulungan nina Engr. Joel at Matet Gavino, Amelia Celestial, Leny Aramil Arago, Edna del Rosario, Luz Villones, Sergio Blanco, Victor Santos, Dra. Celerina de Castro, Dra. Trinidad Pigtain, Opelia C. Tan-Biana, Kgd. Aga Anore, Binangonan Tourism Office at Club 109 Riders.

 ??  ?? Patty
Patty
 ??  ?? Kyline
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines