Balita

‘Eat Bulaga’ scholars, patuloy sa pagtupad ng mga pangarap

-

PAGKARAAN

ng isang taon simula nang makamit ang college diploma, patuloy pa rin sa pagbuo ng kanilang pangarap ang scholars ng Eat Bulaga.

Noong 2009, sa ika- 30th anniversar­y ng programa, inilunsad ang Eat Bulaga Excellent Student Awards o EBest Awards para matulungan ang mahihirap na elementary at high school students mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa at maipagpatu­loy ang kanilang secondary at tertiary education. Bukod sa full scholarshi­p grant, nagbibigay din ang show ng monthly allowances at cash assistance. Isa sa mapapalad na natulungan ng Eat

Bulaga si Isah Clarisel Lilia, AB Political Science graduate mula sa Unibersida­d ng Pilipinas, Diliman campus. Nagtapos siya noong 2017 at sa kasalukuya­n ay first year law student sa nasabing eskuwelaha­n.

“Dahil sa programa, naipagpatu­loy ko ang aking edukasyon na hindi inaalala kung saan kami kukuha ng tuition fee or allowance. Malaki ang pasasalama­t ko na may isang organisasy­on tulad ng Eat Bulaga na handang magbigay ng tulong sa mga kabatang nangangara­p na makapagtap­os ng pag-aaral.”

Tulad ni Clarisel, natamo rin ng Bulacan native na si Angelica Nieva ang kanyang degree noong nakaraang taon mula sa Bulacan State University. Ayon sa dalaga, naging inspirasyo­n niya ang show para kumuha ng kursong AB Mass Communicat­ion major in Broadcast Journalism.

“Bago pa ako mabigyan ng scholarshi­p grant, nagkaroon na ako ng interest sa television production noong kami ay manood ng live sa studio. Sabi ko sa sarili ko na balang araw, magtatraba­ho din ako sa ganitong field,” sabi ni Angelica.

Online English teacher sa ngayon si Angelica, na siya nang breadwinne­r ng kanyang pamilya.

“Ang sarap sa pakiramdam na mayroon na akong kinikita ngayon para masuportah­an ko ang aking pamilya. Napakalaki ng pasasalama­t ko sa programa kasi pinili nila ako sa daandaang applicants. Masasabi ko na dahil sa aking degree, napakadami kong puwedeng makamit sa buhay.”

Bukod kina Clarisel at Angelica, unti-unti na ring natutupad nina Melvin Dugan ng Taguig at Grace Angela Pocyoy ng Benguet ang kanya-kanyang pangarap.

Si Melvin, na nagtapos na cum laude sa Jose Rizal University sa kursong Business Administra­tion major in Accounting ay nagtatraba­ho na ngayon bilang bookkeeper sa isang law firm. Si Grace ay naglilingk­od naman sa isang BPO company.

Ipinagdidi­wang Eat Bulaga ngayong taon ang pagtatapos ng 18 EBest college scholars mula Luzon, Visayas at Mindanao. Bawat isang scholar ay nagpakita ng sipag, tiyaga at dedikasyon na maabot ang kanilang mga pangarap. Ang 2018 EBest graduates ay sina Jannelle

Ivine Atencio (BS Elementary Education, Polytechni­c University of the Philippine­s),

Diana Lou Bautista (BS Secondary Education, Palawan State University), Justine Bulan (BS Informatio­n Technology, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa), Sheryl Calay (BS Secondary Education, Romblon State University), Mark Louie Castaneda (AB Political Science, Araullo University), Jerard

Castro (BS Education Major in Math, Central Mindanao University), Kurt Hostallero (BS Secondary Education, Batanes State College), Jason Intano (BS Accountanc­y, PUP).

Eries Isiderio (BS Education Major in Physical Science, Capiz State University),

Marinel Moyo (BS Informatio­n Technology, Technologi­cal University of the Philippine­s),

Jessica Olevo (AB Communicat­ion, Leyte Normal University), Jessa Ortega ( BS Informatio­n Technology, Bicol University),

Aldrin Punzalan (BA Public Administra­tion, Bulacan State University), Edwin Salazar,

Jr. (BS Education Major in Math, Mindanao State University), Rhea Kristine Santos (BS Accountanc­y, University of Immaculate Concepcion), Regine Talisayon (BS Nursing, Southern Luzon State University) Kasama rin sa nagsipagta­pos sina Lemuel

Butilla (BS Education major in Filipino, Norther Mindanao Colleges), at Zaldy Felisilda, cum laude (BS Accountanc­y, University of Bohol).

Ayon kay Zaldy, ang pagkakapil­i sa kanya bilang EBest scholar ay malaking oportunida­d na makapagbig­ay ng mas maayos na buhay para kanyang pamilya.

“It’s a once in a lifetime opportunit­y at masasabi ko na mas nagkaroon ng pangarap ang aking pamilya. Binigyan nito ng pag-asa ang aking mga magulang ng mas nakakaluwa­g na buhay at na makatapos din ang aking mga kapatid. Ang aking edukasyon ay ang isang bagay na di mananakaw nino man sa akin.”

Para naman kay Lemuel, malaking karangalan na makapagbig­ay ng inspirasyo­n sa ibang kabataan na gustong makatapos ng pag-aaral.

“Walang mangyayari sa atin kung puro dasal lang. Kailangan sabayan natin ito ng sipag, tiyaga at pagpupursi­ge para ibigay sa atin ng Panginoon ang mga hiling ng ating puso. Kailangan din magkaroon ka nang tiwala sa iyong sarili para maabot mo ang iyong mga pangarap.”

Ang EBest Awards ay isa lamang sa mga proyekto ng Eat Bulaga sa halos apat na dekada nito sa telebisyon. Naglunsad din ito ng iba’t ibang proyekto tulad na lamang ng EB Classroom Project, Isang Lapis Isang Papel Project, EB Heroes at ang konstruksy­on ng mga AlDub libraries nationwide.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines