Balita

Ika-143 labas

-

BUHAT

sa ospital, hindi nagrirepor­t si Pedring sa trabaho. Ang sabi kasi ni Sidro, copy furnished na raw ang opisina nila ng medical record niya buhat sa ospital at ang sabi raw sa opisina ay ituloy lang muna niya ang kanyang bakasyon.

“Kailan ako puwedeng pumasok?” tanong pa niya kay sidro.

“Mag-report ka raw pag kaya na ng katawan mo. Tutal daw, may mga sick leave credits ka pa.”

Araw ng lunes. Mag-aalas siyete ng umaga.

Bihis na si Lagring nang humarap siya kay Lagring. “Papasok na ‘ko sa trabaho, Lagring.”

“Pakelam ko, mapunta ka man sa impyerno!”

Sarap sana kung sinabi ni Lagring: Kaya mo ba? Baka naman kelangan mo pa ng pahinga. Saka ka na lang pumasok kung talagang kaya mo na.

Hilig mong mangarao ng gising! Galit siya sa kanyang sarili. Paano naman siya makapaghih­intay ng pag-aalala mula kay Lagring? ‘Yon siguro ang higit pa sa imposiblen­g mangyari.

Nagulat pa yata si Sidro nang makita siya. “Papasok ka na ba?”

“Oo naman. Naiinip na ako sa bahay.”

“Kaya mo kaya talaga? Sa tingin ko, mahina ka pa. Ang laki yata ng ipinayat mo, pare.”

“Malakas na ‘ko, Sidro. Namayat nga ako ng konti pero mabuti na ang pakiramdam ko.”

“Kaya mo na ba talagang magtrabaho? Tanong ng supervisor nila nang makita siya. “Kayang-kaya na, sir.” “Bago ka kaya mag-time in, pumunta ka muna sa doktor natin.” “Bakit pa, sir?” “Regulasyon ‘yon, Pedring. Ang sino mang magkasakit, bago muling magtrabaho, kay doktor muna. Sige na, Pedring.” Napilitan si Pedring. Kinabahan si Pedring papasok pa lamang siya ng klinika. Bakit sinusuri yata siya ng tingin ng doktor?

“Papasok na ‘ko, Dok.” Inunahan na niya ang doktor. “Mabuti na kasi ang pakiramdam ko.”

“Hindi pa siguro, Pedring. May COPD ka.”

Narinig na niya iyon sa ospital pero hindi nga niya naintindih­an.

“Ano po ang ibig sabihin niyon, Dok?”

Sa halip magpaliwan­ag, inilagay ng doktor ang stethoscop­e nito sa kanyang dibdib, “Hinga ng malalim, Pedring.”

Ginawa ni Pedring ang sinabi ng doktor. “Inuubo ka ba, iho?” Naisip niyang hindi siguro puwedeng lokohin ang doktor, tumango siya. “May kasama bang plema?” “Konti lang, Dok.” Titig na titig sa kanya ang doktor. Kunot na kunot ang noo.

“Nagngangal­it ang mga ugat sa leeg mo, iho.”

Hindi siya kumibo. Paanong hindi magngangal­it ang mga ugat niya sa leeg ay pinipigil niya ang pag-ubo!

Sabi naman ng doktor: “Thorough check-up daw ang gawin ko sa’yo, sabi ng management. Tapatin mo ‘ko, iho. Madalas bang naninikip ang dibdib mo at para kang kakapusin ng paghinga, di ba?” Hindi siya kumibo. Marami pang pagsusurin­g ginawa sa kanya ang doktor. Tapos, sinabi: “Mabuti pa, Pedring… mamahinga ka uli.”

“Bakit naman, Dok?” Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines