Balita

Ginebra, susukatin ng ROS

Mga Laro ngayon (Araneta Coliseum) 4:30 n.h. -- Blackwater vs Alaska 6:45 n.g. -- Rain or Shine vs Ginebra

- Marivic Awitan

MAKASALO sa liderato ang tatangkain ng Rain or Shine sa pagpuntiry­a ng kanilang ikalawang tagumpay sa pagsagupa sa crowd favorite Barangay Ginebra sa tampok na laro ngayon sa 2018 PBA Commission­er’s Cup sa Araneta Coliseum.

Kahapon, solong lider taglay ang markang 2-0, ang posibleng angkinin ang mananalo sa pagitan ng TNT Katropa at Phoenix Fuel sa Ynares Sports Center.

Sa pangunguna ni dating ABL Best Import Reggie Johnson na umiskor ng 32-puntos, ginapi ng Elasto Painters ang Alaska Aces, 109-103, sa overtime para sa una nilang panalo.

Nalusutan ng ROS ang 40puntos at 20 rebounds na debut ni Aces import Antonio Campbell dahil na rin sa mgandang suporta ng mga locals kay Johnson partikular sina Chris Tiu, Raymund Almazan at Maverick Ahanmisi na umiskor ng 18 at tig-11 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

“It’s a good start for us this conference,” wika ni Elasto Painters head coach Caloy Garcia.

Ngunit, aminado itong marami pa silang dapat na ayusin sa kanilang laro. “Yun nga lang, may defensive lapses. Andaming mali, errors, turnovers, and in the end we were giving too much offensive boards,” aniya.

Ikinatuwa din ni Garcia ang pag-istep-up nina Tiu, Almazan sampu nina James Yap at Beau Belga na nagtala ng 10 at 9 na puntos ngunit nais nyang mag-contribute ang iba pa nilang mga players.

“We need more effort from the other guys,” aniya.

Sa kabilang dako, magsisimul­a na ng kanilang kampanya para sa mid-season conference ang Barangay Ginebra matapos ang nabigong kampanya sa finals ng nakaraang Philippine Cup.

Nakatakdan­g iparada ng Kings ang bagong import na si Shane Edwards habang hindi pa available ang kanilang import na si Justin Brownlee na kasalukuya­n pang naglalaro sa Alab Pilipinas sa ABL Finals.

Samantala sa unang laro, maguunahan namang makapagtal­a ng panalo ang Blackwater (0-2) at ang Alaska (0-1) sa kanilang pagtutuos ganap na 4:30 ng hapon.

 ?? RIO DELUVIO ?? MUKHANG BOLA! Natakpan ng bola ang mukha ni Calvin Abueva ng Alaska sa pagtatangk­ang makuha ang ‘loose ball’ laban kay Rain or Shine Forward Gabe Norwood sa kanilang laro sa PBA Commission­er’s Cup.
RIO DELUVIO MUKHANG BOLA! Natakpan ng bola ang mukha ni Calvin Abueva ng Alaska sa pagtatangk­ang makuha ang ‘loose ball’ laban kay Rain or Shine Forward Gabe Norwood sa kanilang laro sa PBA Commission­er’s Cup.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines