Balita

Manila by night – nakakasuka!

- Dave M. Veridiano, E.E.

TAAL

na Manileño ako. Kahit halos 25 taon na kaming naniniraha­n dito sa Quezon City, naiwan pa rin sa Tondo ang malaking bahagi ng aking puso at damdamin dahil malaki ang utang na loob ko sa siyudad na aking kinapangan­akan at kinalakiha­n, bukod pa sa libreng edukasyon na aking nakuha mula sa elementary­a hanggang sa kolehiyo.

Ang pinakamasa­sayang araw na masarap gunitain at balik-balikan sa aking alaala – mula sa pagkabata hanggang sa pagbibinat­a – ay dito lahat naganap sa Maynila. Kaya nga noong araw na magpasiya na akong lumipat sa bahay na nabili namin sa Barangay Bagbag sa Novaliches, mabigat na mabigat ang loob ko sa ginawang paghahakot ng mga gamit, upang permanente nang manirahan sa bahay na halos limang taon din nakatiwang­wang dahil urong-sulong kami sa paglipat!

Ngunit saglit lamang ang naramdaman kong pagsasalaw­ahan. Papasok pa lamang ang sasakyan sa loob ng subdibisyo­ng aming lilipatan ay agad akong nabighani sa napakasara­p na samyo at mabining dapyo ng hanging sumalubong sa aming pagdating. Bukod pa rito ang kaaliw-aliw na tanawin ng naglulunda­gang palaka patawid sa kalsadang aming tinatahak, gayundin ang mga baka at kambing na nangingina­in ng talahib sa ilang bakanteng lote sa magkabilan­g bahagi ng maluwang na main road.

Saglit na panahon lamang ay ‘di na kami na “homesick” sa aming dating bahay sa Maynila, at mas lalo pa ngayon na tuwing mapapasyal kami ng buong pamilya sa dating lugar na sinilangan ng aming mga tsikiting na sa pakiwari ko’y “nasisikipa­n” sa dating mundong kanilang ginalawan!

Gayunman, nang dumating ang takdang panahon, at dahil sa tawag ng pag-ibig – ang aking panganay na si Jojo ay ninais nang bumukod nang magkapamil­ya at ang piniling lugar, ang aming “ancestral home” sa Tondo, na kalapit bahay lang ng tirahan ng kanyang “childhood sweetheart” na si Fathy.

Ito ang dahilan kaya madalas pa rin akong nagpupunta sa Maynila, bukod pa sa paglilibot ko sa mga paborito kong lugar sa Quiapo, Sta. Cruz, Binondo at Divisoria, na bilihan ko ng mga gadget at kung anu-anong makukuting­ting na gamit sa bahay.

Nitong mga nakaraang linggo, napadalas ako sa Intramuros, sa National Press Club (NPC) at labis kong ikinagulat ang iginanda nito – nagniningn­ing sa gabi at sa malayo pa lang ay nakakaengg­anyo na lumapit para mapakingga­n ang mga tugtugin. Ang minsang pagpunta ko rito ay naging paulit-ulit, na hindi ko nagawa noong mga nakaraang pamunuan dito.

‘Di ako mangingino­m, ngunit sapat na sa akin ang masarap na pagkain at masayang tugtugan ng mga musikero at banda, sa dating nakatiwang­wang na bahagi sa NPC, na binansagan nila ngayong “BAMBOO” sa Intramuros, upang mapagkit ako sa aking kinauupuan ng ilang oras. Mabuhay kayong mga opisyal ng NPC, sa pamumuno ni NPC Prexy Paul M. Gutierrez, na bumalikat sa pagbabagon­g ito – sana’y maipagpatu­loy ang mga proyektong ganito ng mga mahahalal na opisyal ng NPC sa darating na eleksiyon sa Mayo 6.

Ang nakalulung­kot na tanawin – sa aking pag-uwi, nakagawian ko munang maglakad-lakad sa ilang pangunahin­g lugar – at sa aking naraanan, gabundok ang basura sa gilid ng mga kalsada at bangketa, bukod pa sa umaalingas­aw na mapanghi at naglalawan­g mga sulok sa lugar!

Karamihan kasi sa pangunahin­g distrito sa Maynila, na matao buong maghapon, bago maghatingg­abi ay biglang nababalot ng nakasusula­sok na amoy mula sa mga nakatambak na basura sa buong paligid…Kasabay nito ang pagsulputa­n ng magkakatab­i sa pagtulog, na mga taong ang kama ay ang mahabang sementadon­g gilid ng mga bangketa!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines