Balita

JM, ayaw makisawsaw sa isyu ni Julio Diaz

- --Jimi Escala

DAHIL sa ipinagbaba­wal na gamot ay naligaw ang showbiz career ni JM de Guzman. Pero binigyan siya ng second chance ng ABS-CBN via Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi.

Kamakailan ay naaresto ang beteranong actor na si Julio Diaz sa isang buy-bust operation sa Bulacan, ulacan, kaya hiningian namin ng reaksiyon si JM sa presscon ng nasabing serye niya tungkol dito na agad umiling.

Tama lang ang sinabi ni JM na hindi niya alam kung nasa posisyon ba siya para magbigay ng opinyon o payo.

“Sa totoo lang, eh, hindi ko talaga alam kung nasa posisyon ako para magbigay ng advice pero basta humility lang to accept na merong problema and you need help,” banggit ng actor.

Dagdag pa ni JM, hindi dapat sinosolo ang naturang problema kundi dapat ay humingi ng ayuda sa mga taong makakatulo­ng. Ang hangad lang daw ni JM para kay Julio ay magtuluy-tuloy ang recovery at huwag nang balikan ang naturang bisyo. Namasdan ng showbiz industry people ang pagbabagon­g-buhay ni JM kaya muli siyang binigyan ng pangalawan­g pagkakatao­n ng ABS-CBN. Samantala, kahit nasa kulungan ay patuloy pang napapanood sa seryeng Asintado si Julio Diaz. Ginampanan ni Julio ang papel na Melchor Gonzalez/ Ayon pa sa Dreamscape Entertainm­ent Television ay nakatakda rin daw naman na mamatay ang naturang papel ni Julio. “His character is meant to die in the series. Kaya lang second week of May pa ang death ng character niya. Marami pa kasing pondo ang show on Julio,” sey pa ng nakausap naming taga-Dreamscape.

 ??  ?? JM
JM

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines