Balita

Ika-144 na labas

- R.V. VILLANUEVA

SINURI

ng doktor ng imprentang pinapasuka­n si Pedring dahil gusto na niyang bumalik sa kanyang trabaho.

“Ibibigay ko muna ang resulta ng pagsusuri ko sa opisina. Sa kanila na manggagali­ng ang order sa iyo kung makakabali­k ka na sa iyong trabaho.”

Matinding-matindi na ang takot ni Pedring. “Sir, Dok… h’wag naman niyo po akong ipatanggal sa trabaho…please po.”

May bumakas na matinding awa sa mukha ni Dok.

“Maawa po kayo, Dok! May pamilya po ako.”

Umiling-iling ang doktor na lalo pang lumungkot ang mukha. “Iho, hindi ko p’wedeng baguhin ang report ko. Kung ano lang ang resulta ng pagsusuri ko, ‘yon ang magiging laman ng report ko.”

Kahit hindi siya nakapagtra­baho, hindi siya umuwi ng maaga. Naglakad-lakad lang siya sa kung saan-saan. Magpapagab­i siya. Hindi niya masasabi kay Lagring ang totoo. Kung malalaman ni Lagring ang totoo, baka layasan na siya nito. A, hindi niya kaya ‘yon. Hindi niya kayang mawala uli si Lagring.

Upang maitago niya kay Lagring ang talagang kalagayan niya, kunwari ay talagang nagtatraba­ho pa siya. Umaalis siya tuwing umaga at umuuwi sa talagang oras ng uwian noong nagtatraba­ho pa siya.

Kung gabi, lalong sakripisyo. Sinisikil niya ang mga pag-ubo dahil baka marinig ni Lagring. Pero hanggang kailan ba naman mapipigil ang dalahit na ubo? At sa tuwing makakawala ang mga ibong iyon, lalong dalahit… higit na maingay.

Nararamdam­an ni Pedring, tumitindi ang mga sintomas na sinabi ng doktor. Papatindi ang paninikip ng kanyang dibdib. Papatindi ang pangangapo­s ng kanyang pahinga. Kung humaharap siya sa salamin at humihinga ng malalim, markadong-markado na ang pangnganga­lit ng mga ugat sa kanyang leeg. At tuwing sasasalin siya ng ubo, lumalabas ang kayraming plema.

Hindi na napigilan ni Pedring na ilabas sa bangko ang nalalabi pa niyang savings. Hindi sana niya gustong masimot iyon pero wala na siyang magagawa. Kailangan niyang patuloy na ibigay kay Lagring ang obligasyon niya rito.

Makalipas ang sapat na panahon mula noong magpasuri siya s doktor ng kanilang kumpanya, nagreport na uli siya sa trabaho. Tulad ng proseso kailangang dumaan muna siya sa doktor.

Nang makita siya ng doktor, umiling-iling ito. Ni hindi nito tinugon ang bati niyang “good morning.” Itinuro sa kanya ang upuan sa harap ng mesa nito.

“Kumusta po, Dok?” tanong niya.

Mahina, halos hindi niya marinig ang sinabi ng doktor: “Sorry!”

Halos alam na niya ang ibig sabihin ng doktor pero nagtanong pa rin siya: “Bakit ho, Dok?”

Hindi kumibo ang doktor pero hindi man lamang ito tumutingin sa kanya. Bumuntong hininga ba ang manggagamo­t?

“T-tapatin n’yo po ako, Dok. Ano ho talaga ang lagay ko?” Hirap nang magdaan sa kanyang mga lalamunan ang mga salitang binitiwan niya.

“Wala sa polisiya ng kumpanya kung kalan gagaling ang isang obrero, Pedring. Tatanggap ka rin naman ng konting separation pay.”

“T-tanggal na ho ako, Dok? Diyos ko naman!”

“May siyam na taon ka rin sa’min, ‘no?”

Hindi na naririnig ni Pedring ang kung ano-ano pang sinasabi ng doktor. Ang nararamdam­an niya ay ang mabibigat na hataw ng wari ay maso sa kanyang dibdib. Wawasakin ba ang dibdib niya? Hindi na niya nakontrol ang kanyang sarili. Napaiyak siya. Na nauwi sa hagulgol.

“Sorry talaga, iho!” Nginig na rin ang boses ng doktor.

Nangingini­g ang mga tuhod ng lisanin ni Pedring ang klinika. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines