Balita

Nat’l IP Games, isusunod ng PSC

- Ni ANNIE ABAD PSC PHOTO

TAGUM CITY -- Dahil sa matagumpay na pagsasagaw­a ng Indigenous Peoples Games na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) nabuksan ang ideya na magkaroon ng National IP Championsh­ip.

Bagama’t maaga pa umano para pagplanuha­n, ayon Kay PSC commission­er Charles Maxey, nakatuon ang ahensiya sa pagpapalaw­ig ng programa at masustinah­an ang malugod na pagtanggap ng mga miyembro ng Indigenous group sa bansa.

“We’re very happy for the success of the first leg and we are expecting the same outcome sa mga susunod na leg. And with this kind of support that we are getting from the Local Government Units (LGUs), hindi impossible yung suggestion ni Governor Anthony del Rosario ng DavNor na magkaroon ng National IP Games,” ayon Kay Maxey.

Handa naman umano si Gov. del Rosario na magsilbing host ng National IP Games kung kinakailan­gan.

“We’ll be very happy kung dito gagawin ang National IP Games,” pahayag naman ni DavNor Provincial Sports Coordinato­r Giovanni Gulanes.

“We have the facilities and equipments here, actually we are proposing more than eight games nga sa PSC pero sabi nila walo muna. So kung matuloy ang National IP dapat talaga sana dito gawin. Masaya yun,” aniya.

Inamin naman ni Executive Assistant from the office of the Commission­er na si Karlo Pates na hindi naging madali ang kanilang pinagdaana­n para matuloy ang nasabing palaro para sa mga katutubo.

“It was not that easy kasi dumaan kami sa anim na meetings with the LGUs at series of coordinati­on meeting with Tribal Council para maipaliwan­ag sa kanila ang format and concept ng laro. We have to follow their rules kasi may traditions sila na sinusunod so masaya kami kasi after all the hard works, successful tayo,” sambit ni Pates.

Limang leg pa ang magaganap para sa nasabing kompetisyo­n kung saan gagawin sa Lake Sebu sa South Cotabato, Bukidnon, Nueva Vizcaya, Benguet, at Ifugao.

 ??  ?? WALANG humpay sa pagbayo ng palay ang ilang miyembro ng tribo sa ginanap na Indigenous Peoples Games nitong weekend sa Tagum City, Davao del Norte.
WALANG humpay sa pagbayo ng palay ang ilang miyembro ng tribo sa ginanap na Indigenous Peoples Games nitong weekend sa Tagum City, Davao del Norte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines