Balita

PNP handa sa libu-libong raliyista

- Mary Ann Santiago

Inaasahan ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na may 8,000 manggagawa ang makikilaho­k sa mga kilos-protestang ilulunsad sa Maynila ngayong Labor Day.

Kaugnay nito, inihayag ng MPD na magpapakal­at ito ng 2,000 pulis sa lungsod, habang nasa 10,000 pulis naman ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong Metro Manila upang magbantay at magbigay ng seguridad sa mga taong makikilaho­k sa kilos-protesta.

Ayon kay Supt. Erwin Margarejo, hepe ng Public Informatio­n Office (PIO) ng MPD, dakong 5:00 pa lamang ng umaga ay sisimulan na nila ang deployment ng mga pulis, partikular sa tapat ng US Embassy, sa Mendiola, sa harap ng Department of Labor and Employment (DoLE), sa Malacañang, sa Liwasang Bonifacio, sa Plaza Miranda, at sa Morayta. PASAWAY AARESTUHIN Nagbabala naman si Margarejo na sakaling may lalabaging batas ang mga raliyista ay hindi sila magdadalaw­ang-isip na arestuhin ang mga ito.

“We are requesting the protesters to guard their ranks not to resort to violence because the police presence will assure them that their constituti­onal rights are protected and respected for as long as it is peaceful and without any violation of law,” aniya.

Pinaalalah­an din ng MPD ang mga motorista na umiwas sa nabanggit na mga lugar na pagdarausa­n ng rally upang hindi maabala sa trapiko.

LIBRENG SAKAY Samantala, magbibigay ang Philippine National Railways (PNR) ng libreng sakay sa mga manggagawa ngayong Labor Day.

Batay sa abiso ng Department of Transporta­tion (DOTr) at ng PNR, nabatid na para sa mga pasaherong patungong Alabang, libre ang sakay ng mga manggagawa sa pagitan ng 6:07 ng umaga at 7:37 ng umaga, at mula 4:07 ng hapon hanggang 5:37 ng hapon.

Para naman sa mga patungo ng Tutuban, libre ang sakay sa pagitan ng 5:46 ng umaga at 7:30 ng umaga, gayundin sa pagitan ng 4:00 ng hapon hanggang 5:30 ng hapon.

Upang makapag-avail ng libreng sakay sa PNR, kinakailan­gan lamang na magprisint­a ng company ID.

Bukod sa PNR, magpapatup­ad din ng libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 ngayong Martes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines