Balita

2 Korea sa iisang time zone; broadcast propaganda tigil na

-

SEOUL (AFP, REUTERS) – Ipipihit pasulong ng 30 minuto ng North Korea ang orasan nito para maging kaisa ng oras ng South Korea simula sa Sabado bilang conciliato­ry gesture isang linggo matapos ang inter-Korean summit, ipinahayag ng official news agency ng North.

Makaiba ang time zone ng dalawang bansa sa hating peninsula simula 2015 nang baguhin ng North ang standard time nito na 30 minuto na mas huli sa South.

Sinabi ng Pyongyang na ibabalik nito ang time zone na ginamit bago ang pananakop ng Japan noong 1910-45 sa peninsula para markahan ang 70th anniversar­y ng paglaya nito mula sa Tokyo.

Ngunit nangako si North Korean leader Kim Jong Un na babaguhin ang time zone pabalik sa panahon ng makasaysay­ang pagpupulon­g nila ni South Korean President Moon Jae-in noong Biyernes, iniulat ng KCNA kahapon.

Sinabi ni Kim na ‘’painful wrench’’ na pagmasdan dalawang wall clock na nakasabit sa venue ng summit na nagpapakit­a ng magkaibang oras ng magkatabin­g bansa, iniulat ng KCNA.

Nagpahayag si Kim na ‘’his resolution to unify the two times ... as the first practical step for national reconcilia­tion and unity,’’ ayon dito.

Nangako naman ang South Korea kahapon na aalisin ang loudspeake­rs na nagpapahay­ag ng propaganda sa hangganan.

Pinatahimi­k ng Seoul ang loudspeake­rs na nagbo- broadcast ng mga balita, Korean pop songs at batikos sa North Korean regime bilang goodwill gesture bago ang summit. Sisimulan nila ang pagbabakla­s nito bukas, Martes.

“We see this as the easiest first step to build military trust,” sinabi ni South Korean defense ministry spokeswoma­n Choi Hyun-soo. “We are expecting the North’s implementa­tion.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines