Balita

1,800 kabataang interns kailangan ng DoLE para sa mga barangay

-

MAGTATANGG­APAN ang Department of Labor and Employment ( DoLE) ng 1,800 Pilipino, nasa edad 18- 30, ngayong Mayo 1, upang ipadala sa iba’t ibang barangay sa buong bansa sa ilalim ng internship program ng kagawaran.

Hinihikaya­t ng DoLE ang kabataang Pilipino na gamitin ang oportunida­d na internship program upang maranasan ang pagtatraba­ho sa pamahalaan.

“They will be assigned to profile child laborers in different areas nationwide. This is good for six months, those without experience and want to have work experience, ( may apply),” ani Bureau of Local Employment ( BLE) Director Dominique Tutay.

Sa isang panayam nitong Sabado, inihayag din ni Tutay na bukas rin ang programa ng DoLE sa Boracay, dahil hindi pa natatapos ang profiling ng mga manggagawa­ng apektado sa anim na buwang pagsasara ng isla.

“Related to that we have an opening for government interns in Boracay, specifical­ly 200 for our profile team,” aniya.

“We now have some 50 government interns who are doing the encoding and profiles of the affected workers in the temporary closure of Boracay islands,” dagdag pa ni Tutay.

Nitong Biyernes, iniulat ni Tutay na nagsimula na sa mga barangay ng Balabag at Manok- Manok ang Emergency Employment Program ng DoLE, na saklaw ang paglilinis sa lugar, at pangangala­ga at pagtatanim ng mga bakawan.

Sinabi rin ni Tutay na sa kasalukuya­n, may 18,000 manggagawa sa pormal na sektor at 3,100 naman sa impormal na sektor ang apektado sa pansamanta­lang pagsasara ng isla, at nailista na.

Sasailalim sa rehabilita­syon ang isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan, na opisyal na isinara sa mga turista nitong Abril 26.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines