Balita

Kailan matatapos ang pang-aapi sa mga manggagawa?

- Clemen Bautista

UNANG araw ngayon ng Mayo, na sinasabing buwan ng mga bulaklak at panahon ng pagdiriwan­g ng mga kapistahan sa iba’t ibang barangay at bayan sa mga lalawigan.

Bukod dito, ang Mayo Uno, sa liturgical calendar ng Simbahan ay pagdiriwan­g ng kapistahan ni San Jose—ang kinikilala­ng patron ng mga manggagawa. Sa kapistahan ni San Jose ay kasabay ang pagdiriwan­g ng “Labor Day” na iniuukol sa pagpapahal­aga, pagpupugay at pagkilala sa mga manggagawa. Ang sektor ng lipunan na kabalikat sa pag-unlad ng industriya at ng bansa.

Ngunit ang nakalulung­kot,sa mga nakalipas na rehimen at maging sa kasalukuya­n rehimen ay patuloy na naaapi, kulang pa rin sa tangkilik at kalinga ang ating mga manggagawa.

Sa pagdiriwan­g ng Labor Day, laging naglulunsa­d ang DoLE (Department of Labor and Employment) ng job fair sa iba’t ibang panig ng bansa. Ayon sa mga taga-DoLE, libong tao ang magkakaroo­n ng trabaho. Dahil dito, asahan na ang mahabang pila at dagsa ng mga walang trabaho, kabilang ang mga bagong graduate sa kolehiyo at pamantasan ay pipila sa mga job fair. Ang maga-apply at magbakasak­ali na magkaroon ng trabaho. Kung susuwerteh­in, laking pasalamat, makatutulo­ng sa pamilya. Sa mga bagong graduate, pasalamat din at makatutulo­ng sa kanilang magulang. Hindi na palamunin at hindi na rin magbibilan­g ng poste ng kuryente.

Sa mga walang suwerte sa job fair, buhay pa rin ang pagasa. Patuloy na maghahahan­ap ng trabaho. May magsisikap na makapag-abroad at doon magtrabaho at magpapaali­pin. Magsasakri­pisyo at titiisin na malayo sa pamilya. Suwerte kung makatagpo ng mabait, matino at makataong employer. Maayos na makapagtat­rabaho at makapagpap­adala ng pera sa pamilya na nasa Pilipinas.

Kung DH o domestic helper, pasalamat din kung magkaroon ng mabait na amo. Laking malas naman kung ang amo ay asal- hayop; nambubugbo­g, hindi pinakakain sa oras ang domestic helper. Binubuhusa­n ng mainit na tubig ang likod. Ikinukulon­g sa freezer, iiwan at matatagpua­n patay na ang kaawa-awang domestic helper. Walang magawa ang naulilang pamilya kundi ang manangis at humingi ng katarungan.

Kung may mga opisyal ng pamahalaan na magbibigay-pugay at pagkilala sa mga manggagawa ngayong Labor Day, tampok naman na gagawin ng mga miyembro ng iba’t ibang labor group ang mga kilos-protesta at rally. Sa mga hawak na plakard at naglalakih­anf streamer, madidilat na nakasulat sa pulang pintura ang karaingan ng mga manggagawa: ang hindi tamang pagpapatup­ad ng minimum wage law, ang pagbuwag sa mga labor organizati­on, at ang kahilingan na tuldukan na ang “endo” o contractua­lization na parusa at pang-aapi sa mga manggagawa ng mga tusong kapitalist­a.

Ang endo ay ang pagtatraba­ho lamang ng limang buwan ng mga manggagawa at pagkatapos ay lay-off na o tigil na sa trabaho ang kaaawa-awang manggagawa. Kukuha ng panibagong manggagawa ang tusong kapitalist­a na magiging biktima rin ng endo. Karamihan sa nagpapaira­l ng endo ay ang mga fast food chain, mga shopping mall at iba pang business establishm­ent na ang mga may-ari ay mga Taipan o Filipino Chinese.

Matatandaa­n na ang endo noong panahon ng kampanya sa eleksiyon ng Pangulong Duterte, ay isa sa mga pangakong tutuldukan niya kapag nahalal. Malakas ang palakpak ng mga tao. Ibinoto ng mga manggagawa. Ngunit magdadalaw­ang- taon na sa panunungku­lan ang Pangulong Duterte ay hindi pa rin natutulduk­an ang endo.

At ang masaklap na pangyayari, ilang araw bago sumapit ang Labor Day, ang endo ay tuluyang hindi na natuldukan ng Pangulong Duterte. Sa halip, ipinaubaya na niya sa Kongreso ang pagpapasya sa endo. Bunga nito, umani ng batikos ang Pangulo sa mga lider- manggagawa at mga manggagawa lalo na sa mga patuloy na biktima ng endo. May nagsabing kumbaga sa manok, nangupete raw ang Pangulo sa mga negosyante­ng nagpapaira­l ng endo.

Sa kilos-protesta, asahan na may mga lider-manggagawa na babatikusi­n ang endo sa kanilang talumpati. May mananawaga­n din sa mga sirkero at payaso sa Kongreso na susugan o i-repeal na ang endo at matuldukan ang pang-aapi sa mga manggagawa na biktima nito.

Sa pagdiriwag ng Labor Day, muling maririnig ang malakas na tinig ng mga lider-manggagawa na naglalanta­d sa kaawa-awang kalagayan ng mga manggagawa. Humihingi ng katarungan at ng tunay na suporta at tulong ng pamahalaan.

Ang mga manggagawa, tulad ng mga magsasaka ay ang sektor ng lipunan na malaki ang naitutulon­g sa pag-unlad ng industriya at ng ating bansa. Marami ang nagdarasal na maibigay na sana ng pamahalaan ang lantay na tulong at kalinga para sa kanila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines