Balita

Bawal na ang balimbing

- Bert de Guzman

BUMAGSAK ng 10 puntos ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) batay sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS). Ang net trust rating ni Mano Digong ay sumadsad mula sa “excellent” na +75 noong Disyembre 2017 at naging “very good” na +65 batay sa SWS survey na ginawa noong Marso 23-27, 2018. Samakatwid, bilib pa rin sa kanya ang mga Pinoy.

Bawal na ang “balimbing” sa larangan ng pulitika sa Pilipinas. Ibig sabihin nito, ipagbabawa­l na ang paglipat ng mga pulitiko sa iba’t ibang partido habang sila ay nasa puwesto. Uso kasi ang lipatan ng lapian kapag ang nanalong presidente ay mula sa isang partido, gaya ng nangyari sa pagkukumah­og ng mga senador at kongresist­a na umanib sa PDPLaban na partido ni PRRD.

Tinatrabah­o ngayon ng Consultati­ve Committee (ConCom) ang isang draft ng bagong Konstitusy­on para sa pederalism­o, na gusto ni PRRD na maging sistema ng gobyerno na papalit sa presidenti­al form of government.

Samakatwid, bawal na ang balimbing a.k.a “political butterfly” at “hunyango” na palipad-lipad (paruparo) at pagbabago ng kulay (hunyango) para sumama sa partido ng sino mang bagong pangulo.

Namayani na naman sa magkasunod na dalawang taon ang mga nagtapos ng abogasya mula sa mga paaralan o unibersida­d sa mga lalawigan batay sa resulta ng Bar Examinatio­ns na inilabas ng Supreme Court noong Huwebes.

Nadomina ng law graduates mula sa mga probinsiya ang Top 10 sa pangunguna ni Mark John Simando ng St. La Salle, Bacolod City ang 2017 Bar Exams. Nagtamo siya ng average na 91.05%. Humuhusay na ang pagtuturo sa mga kolehiyo at pamantasan sa mga lalawigan, hindi tulad noon na pawang law graduates sa Metro Manila ang nangunguna.

Totoo kaya na magre-resign si PDU30 kapag hindi pa napagtibay ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa susunod na buwan? Sinabi ni Australian nun Patricia Fox na hindi niya pinagsisis­ihan ang mga ginawa niyang aktibidad sa Pinas. Ayon kay Fox, ang hakbang ng Bureau of Immigratio­n na kanselahin ang kanyang missionary visa ay hindi laban sa kanya, kundi laban sa Catholic Church at sa foreign missionari­es na nagtatraba­ho sa Pilipinas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines