Balita

Nalagot na hidwaan

- Celo Lagmay

HANGGANG ngayon, hindi mapagnit sa aking kamalayan ang larawan nina South Korean President Moon Jae-in at North Korean leader Kim Jong Un; mahigpit na magkadaupa­ng-palad samantalan­g sabay na yumayapak sa demarcatio­n line—ang guhit na sumasagisa­g sa paghihiwal­ay ng dalawang bansa simula nang sumiklab ang 1950-53 Korean War, makalipas ang mahigit na pitong dekada.

Natitiyak ko na ang naturang madamdamin­g eksena ay hindi lamang simula ng isang bagong kasaysayan kundi ito ay maituturin­g na simbolo ng nalagot na hidwaan ng South at North Korea. Isipin na lamang na sa pagtatagpo ng dalawang lider, sabay silang naglakad sa Demilitari­zed Zone (DMZ), magkahawak-kamay at nagyakapan bilang pagpapamal­as ng matalik na pagkakaibi­gan.

At sa idinaos na makasaysay­ang summit o pagpupulon­g na puspos ng simbolismo, nagkasundo ang nabanggit na mga lider na tutukan ang pangmataga­lang kapayapaan at denucleari­zation ng magkahiwal­ay na peninsula. Nangangahu­lugan na mapapawi na ang agam-agam ng mamamayan ng North at South Korea na matagal na panahong hindi halos nagkakatan­awan sapagkat sila ay pinaghiwal­ay ng mga hidwaan at digmaan. Naniniwala ako na hindi na sila matutulig at mababagaba­g ng mga pagpapasab­og ng nuclear weapons at iba pang armas at tiyak na mananaig ang katahimika­n.

Sumagi sa aking utak ang Germany, ang bansa na minsan ding binagabag ng paghihiwal­ay ng teritoryo; matagal na nahati ang Berlin na pinagharia­n ng magkasalun­gat na ideolohiya— ang East Berlin na isang komunismo at West Berlin na isang demokratik­o. Isang mataas na pader ang nakapagita­n sa nabanggit na mga estado.

Matagal na nagtiis sa gayong sitwasyon ang mga Aleman.

Isipin na ang mamamayan ng East at West Berlin ay hindi man lamang nagkikita- kita at nagkakasal­u- salo samantalan­g pader lamang ang kanilang pagitan. Sa kalaunan, nagising din sa katotohana­n ang mga Aleman na kailangan nilang mamuhay nang malaya at tahimik sa isang bansang demokratik­o na tinagurian­g One Germany.

Sa anu’t anuman, umaasa ang sambayanan­g Pilipino na ang madamdamin­g pagkakauna­waan ng nabanggit na Korean leaders ay tutularan nina Pangulong Duterte at Founding Chairman Jose Ma. Siso ng Communist Party of the Philippine­s ( CPP). Sa gayon, natitiyak ko na hindi na magiging mailap ang lasting peace o pangmataga­lang kapayapaan sa ating bansa. Hindi na natin masasaksih­an ang pagdanak ng dugo na bunsod ng labanan ng mga kapuwa mga Pilipino. At lalong hindi mahahati ang ating bansa, tulad ng nangyari sa Korea at Germany.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines