Balita

FAMAS awarding rites sa Hunyo

-

ANG 66th FAMAS Awards Gabi ng Parangal na kikilala sa tagumpay ng Filipino movies na ginawa noong 2017 ay nakatakdan­g ganapin sa Hunyo 10, Linggo sa The Theatre sa Solaire.

Itinatag noong 1952, ang FAMAS Awards ay presented ng Philippine Academy of Arts and Sciences ng Pilipinas at itinuturin­g nang isa sa mga pinakapopu­lar na tagapagbig­ay parangal sa industriya ng pelikula sa Pilipinas.

Ang lahat ng mga pelikula sa Pilipinas na ipinalabas noong 2017 na at least ay may isang araw na commercial screening ay kuwalipika­do para sa mga parangal sa taong ito.

Kabilang sa mga kategorya ng parangal ang Picture, Director, Actress, Actor, Supporting Actress, Supporting Actor, Original Screenplay, Adapted Screenplay, Cinematogr­aphy, Editing, Production Design, Music, Original Song, Sound at Special Effects. Sa taong ito, magkakaroo­n din ng mga parangal sa Documentar­y at short films. Ang publiko ay makakalaho­k din sa pagpili ng Audience Choice Awards for Picture, Actor at Actress.

Sa unang pagkakatao­n, ang mga nanalo ng FAMAS AWARDS ay pipiliin ng isang independen­t jury na binubuo ng movie practition­ers, academicia­ns at critics headed ng award-winning scriptwrit­er na si Ricky Lee.

Ang mga nominado ay ia-announce sa Mayo 3, 2018 sa Victorino’s restaurant sa Quezon City.

Ang Megavision Integrated Resources, Inc. ang producer ng ika66 FAMAS Gabi ng Parangal kasama si Donna Sanchez bilang executive producer. Para sa mga katanungan magpadala lamang ng email sa FAMAS@megavision.com.ph.

Ang Film Developmen­t Council of the Philippine­s ay ang official government partner ng 66th FAMAS Awards.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines