Balita

Lea Michele at Zandy Reich, engaged na

- Cover Media

ENGAGED na si Lea Michele sa kanyang boyfriend na si Zandy Reich. Sa Instagram ipinahayag ng dating

Glee nitong Sabado ang happy news, isinulat ang “Yes” sa social media site, kasama ang larawan niya na ipinakikit­a ang kanyang engagement ring.

Isinapubli­ko nina Lea at Zandy ang kanilang relasyon noong Hulyo 2017, ilang buwan matapos niyang sabihin na nakatagpo na siya ang bagong pag-ibig matapos mamatay ang actor boyfriend niyang si Cory Monteith, noong Hulyo, 2013.

“I’ve had to come to a place in my life where I have the strength g and joy to move forward -- and to be thankful and believe in life again,” aniya sa pahayagang Daily Star ng Britain noong Abril, 2017.

Naging kasintahan ni Lea si Matthew Paetz mula 2014 hanggang 2016, ngunit noong 2015 ay inihayag niya na kinailanga­n niyang paghilumin ang sarili matapos ang pagpanaw ni Cory, bago siya pumasok sa bagong relasyon.

“I wanted to make sure that I was OK with me, feeling strong and feeling happy on my own,” aniya sa Flare magazine. “I didn’t want anybody to fill any holes for me... I wanted to make sure that I was a whole person again and that no one was coming into my life to put me back together.

“I needed to do that on my own. I worked very, very, very hard and I got back to that place where I was genuinely happy and strong and ready to live again and see the world and, you know, bring in more beautiful experience­s.”

 ??  ?? Lea at Zandy
Lea at Zandy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines