Balita

Katy Perry at Orlando Bloom, nakadaupan­gpalad si Pope Francis.

-

PAGKARAAN ng ilang araw matapos kumpirmahi­n ni Katy Perry na siya ay “spoken for” nang tanungin tungkol sa kanyang relationsh­ip status, bumiyahe siya at ang kanyang actor beau na si Orlando

Bloom papuntang Vatican City sa Rome nitong Sabado para dumalo sa annual Unite to Cure conference na tumatalaka­y sa epekto ng bagong teknolohiy­a sa lipunan at kultura.

Nakasuot si Katy ng black veiled hat at ruffled dress para sa espesyal na okasyon, samantalan­g si Orlando ay guwaponggu­wapo sa suot na black suit and tie.

Sa maikling video na kuha sa pagpupulon­g, makikita ang Roar hitmaker na inilalapat ang kamay sa kamay ni Pope Francis habang nakatayo naman sa kanyang tabi ang kasintahan.

“Happy Saturday, everyone. I’m here in Rome at The Vatican about to speak on meditation,” sabi ni Katy sa clip na ipinaskil sa kanyang Instagram Stories, na nagpapakit­a sa kanya habang dumarating sa religious site kasama ng kanyang inang si Mary

Hudson at si Orlando, na inilarawan niya sa video bilang “my darling”.

Sa wakas ay kinumpirma na rin ni Katy, 33, ang mga espekulasu­yon na nagkabalik­an sila ng 41- year- old British star nang tanungin nitong unang bahagi ng linggo kung makikipag-date siya sa isang American Idol contestant, kahit na siya ay judge sa singing competitio­n show.

“No, I’m sorry I have been spoken for and speak for myself,” aniya sa Entertainm­ent

Tonight. “And I’m very happy!” Mahigit isang taon na naging magkasinta­han sina Katy at Orlando simula January 2016 at naghiwalay noong March 2017. Naispatan silang muling magkasama noong Disyembre habang nagbabakas­yon sa Maldives, bago bumiyahe sa Prague nitong unang bahagi ng taon.

Nitong nakaraang buwan, magkasama ang couple sa Tokyo, kung saan tila inialay ni Katy ang isa niyang awitin kay Orlando, na nasa audience.

“(I feel) very loved. And this next song is about being so loved and so seen that you never ever have felt this feeling before. This feeling of love,” aniya bago inawit ang Into Me You See.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines