Balita

Baste o Pirates?

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (Ynares Sports Arena) 4:00 n.h. -- Chelu Bar and Grill-SSC vs. Zark’s Burger-Lyceum

Sino ang magiging pinakabago­ng kampeon at mahahanay sa mga koponang nagwagi na ng titulo sa PBA Developmen­tal League ang katanungan­g mabibigyan ng tugon ngayong hapon sa winner-take-all Game Three ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Muling magtutuos upang pagagawan ang titulo ang Chelu Bar and Grill-San Sebastian at ang Zark’s Burger-Lyceum ganap na 4:00 ngayong hapon.

Naipuwersa ng Jawbreaker­s ang rubbermatc­h pagkaraang itabla sa 1-1 ang serye noong Huwebes sa pamumuno ni Conference MVP CJ Perez.

At ngayong nakapatas na sila, nangako ang Jawbreaker­s na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang wala silang pagsisihan anuman ang kahinatnan ng kanilang laro.

“Again, we just have to battle our way. Just to have the peace of mind that we know we did our best, we’ll be at peace whatever the outcome is,” pahayag ni coach Topex Robinson.

“For us, it’s about us inspiring others and we’ll not get away from that. We’ll never get out of our mantra of honoring the game, playing it the right way, value integrity, and do the right things,” aniya.

Para naman kay Perez, hindi siya makukunten­to sa natamong individual trophy. “Siyempre mas maganda ‘yung MVP ka na champion ka pa.”

Gayunman, batid niyang hindi magiging ganun kadali ang lahat.

“Sigurado namang hindi ibibigay ng kabilang team yung championsh­ip ng basta na lang. So kailangan talaga naming paghirapan, “ayon pa kay Perez.

Sa kabilang dako, sisikapin naman ng Revellers na maging compose at wag manggigil sa laro na pinaniniwa­laang naging dahilan ng kanilang kabiguan noong Game 2.

“Actually, sarili din namin ang tumalo sa min. Kailangan lang ng konting adjustment at extra practice

sa outside shooting kasi dun kami inalat, “pahayag ni Allyn Bulanadi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines